Allen Dizon, sumabak na naman sa isang prestigious international film festival

Allen Dizon and company

MULTI-AWARDED actor Allen Dizon is now in India to compete in an international film festival. Hindi na mabilang kung pang ilang film festivals abroad na ang sinalihan ni Allen.

Nire-represent ni Allen ang pelikulang Persons of Interest na idinirek ni Ralsto Jover sa 24th Kolkata International Film Festival na matatapos ngayong November 17.  

Magkasama ang acclaimed actor and director na lumipad papuntang India with Dennis Evangelista na producer ng pelikula.

Ang Persons of Interest ay entry para sa main international competition programme ng Kolkata film festival.

Kasama sa cast ng pelikula ang veteran actress na si Liza Lorena at Dimples  Romana na gumaganap bilang  mag-ina.

Allen naman is playing the role of a blind chef na merong alter ego na normal at walang kapansanan.

Samantala, this is not the first time na nag-participate  sa Kolkata International Film Festival si Allen. Una siyang sumali sa festival noon 2016 bitbit ang kanyang Cinemalaya movie na Lando at Bugoy.

Sa naturang pelikula ay isang isang illiterate father ang kanyang role.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.