Allen Dizon, muling nanalong Best Actor sa international filmfest

Allen Dizon with his Best Actor trophy from 13th Salento International Film Festival for the film Iadya Mo Kami

Allen Dizon with his Best Actor trophy from 13th Salento International Film Festival for the film Iadya Mo Kami

 Last Saturday, September 10, muling kinilala ang galing ni Allen Dizon nang tanghalin siyang Best Actor sa katatapos na 13th Salento International Film Festival na ginanap sa Tricase, Italy. Ito ay para sa pelikulang “Iadya Mo Kami” ni Direk Mel Chionglo at mula sa BG Productions ni Ms. Baby Go.

Gumanap si Allen dito bilang isang pari na may naanakang girlfriend. Isa ito sa pinaka-challenging na role na nagampanan ng aktor. Reunion movie rin ito nina Allen, Direk Mel, at Ricky Lee. Bukod kay Allen, tampok din dito sina Eddie Garcia, Aiko Melendez, Ricky Davao, Diana Zubiri, at iba pa.

Matapos ang award’s night, ito ang makikita sa Instagram ni Allen: “Yahooooo…Another Best Actor award… thank u so much SALENTO INTERNATIONAL FILM FESTIVAL…salamat direk Mel chionglo sa lahat ng cast, staff n crew..Sa BG production Mam Baby Go n poly, sir romy lindain sa manager ko dennis evangelista, sa aking pamilya, asawa at 4 na anak para s inyo to at sa buong PILIPINAS…maraming maraming salamat… team IADYA MO KAMI(deliver us) MABUHAY PO ANG PELIKULANG FILIPINO…”

Bago ang naturang filmfest, nanalong Best Actor muna si Allen sa 4th Silk Road International Film Festival para sa pelikulang “Iadya Mo Kami” last March. Ito ay maituturing na isang record dahil back to back win ito para kay Allen na last year ay nanalo rin sa nasabing filmfest para naman sa pelikulang “Magkakabaung” ni Direk Jason Paul Laxamana.

Ito na ang ika-limang international Best Actor award ni Allen at pang-21 Best Actor award sa kabuuan.

Samantala, patuloy sa paggawa ng challenging na pelikula ang multi-awarded actor na si Allen. After “Iadya Mo Kami”, susunod namang mapanonood si Allen sa pelikulang “Area” na tinatampukan din nina Ai Ai delas Alas, Sue Prado, Sancho delas Alas, at iba pa, mula sa direksiyon ni Louie Ignacio.

Ang pelikula ay tungkol sa isang lugar sa Angeles City na tinatawag na “Area” na may mga prostitute sa murang halaga. Gumaganap sina Allen at Ai Ai rito bilang maintainer at bugaw ng mga kasa sa naturang lugar.

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.