Alkaldeng Suspek sa Negros Judge Slay, 90 Araw Suspendido

TATLONG BUWAN o 90-day suspension ang ipinataw ng Sandiganbayan 5th division kay Ilog, Negros Occidental Mayor John Paul Alvarez dahil sa kasong paglabag sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ito ay may kaugnayan sa binansagang “Pajero scandal” sa naturang bayan ilang taon na ang nakalipas kung saan pinalitan umano ang engine ng sasakyan na binili ng Municipal Government ng Ilog para sa Department of Education.

Ang kaso ay inireklamo ng isang hindi nagpakilalang residente ng bayan ngunit pina-follow-up ng Municipal Councilor na si Karem Gequillana na pinaslang dalawang taon na ang nakararaan.

Si Alvarez ang itinutu-rong nag-utos sa pagpatay kay Judge Henry Arles noong buwan ng Abril 2012 sa pamamagitan ng pag-hire ng mga kasapi ng Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade (RPA-ABB).

(E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.