Alkaldeng Namatay sa Chopper Accident, Waging Bokal ng Samar

NANALO ANG pumanaw na alkalde ng San Roque, Northern Samar na kumakandidato bilang board member sa 2nd district ng lalawigan.

Nakakuha ng 41,678 na boto si Mayor Andre Abalon na tumatakbo sa ilalim ng National Unity Party (NUP).

Maaalala na tumalon mula sa helikopter si Abalon at ang dalawang kasama nito matapos magkaaberya ang makina ng chopper habang patungo sa isang campaign sortie noong Mayo 7.

Naipagamot pa sa pagamutan sa Cebu si Abalon na nagtamo ng matinding fracture sa bungo pero pumanaw rin noong mismong araw ng halalan, Mayo 13.

Nanalo rin ang nakatatandang kapatid nito na si Don sa pagkandidato bilang alkalde sa San Roque.

Samantal, magkakaroon naman ng nominasyon ang NUP para sa papalit sa posisyon ni Abalon sa pagka-bokal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.