Alkalde, ligtas sa ambus

 

MALAKI ANG pasasalamat ni Tubao, La Union Mayor Dante Garcia dahil hindi nasaktan makaraang tambangan kahapon ng umaga sa nasabing bayan.

Sa ulat ng Tubao PNP, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Aspiras National Highway sa Brgy. Lloren sa nasabing bayan habang nagmamaneho ng sariling sasakyan ang alkalde.

Isang kulay maroon na Toyota Innova na pinaniniwalaang sinakyan ng hindi pa kilalang suspek ang biglang nag-overtake kasunod ang pagpapaputok ng hindi pa mabatid na uri ng baril sa nasabing opisyal.

Hindi naman tinamaan ng bala si Garcia at tinangka pa umano nitong sundan ang sasakyan ng salarin.

Agad namang nagsagawa ng checkpoint at manhunt operations ang lahat ng unit ng pulisya sa ikalawang distrito ng lalawigan matapos ang pagtatangka sa buhay ng mayor.

Samantala, lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na limang bala umano ang tumama sa sasakyan ng naturang opisyal ng bayan.

Sa ngayon, hindi pa matukoy ang motibo sa bigong pamamaslang sa alkalde at patuloy pa rin ang pag-iimbestiga upang malaman ang pagkaka-kilanlan ng suspek.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.