Alkalde at Mga Pulis, Nagkaengkuwentro

PATULOY PA ring sinisiyasat kung ano ang puno’t dulot sa umano’y nangyaring engkuwentro sa pagitan ng isang alkalde at mga pulis sa Calbayog City, Samar kamakailan.

Napag-alaman na pinaulanan umano ng bala ang sasakyan ng hindi muna pinangalanang pulitiko ng ilang kasapi ng Calbayog PNP.

Ang nasabing impormasyon ay nanggaling din sa isa pang alkalde sa Samar.

Sinasabing agad uma-nong pinalibutan ng mga tagasuporta ng alkalde ang sasakyan dahilan upang hindi ito magalaw ng mga awtoridad.

Samantala, noong nakaraang araw lamang isa ring re-electionist councilor ang hinuli ng mga kinauukulan dahil naman sa kasong extortion.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.