Alkalde at Bodyguard, Patay; 3 Malubha Dahil sa Kalabaw

PATAY ANG isang alkalde ng Apayao at bodyguard nito habang malubha namang nasugatan ang tatlo pa kabilang ang bise-alkalde matapos na sumalpok sa isang punongkahoy ang sinasakyan ng mga ito sa highway ng Pagudpud, Ilocos Norte dahil sa pagtawid ng kalabaw kamakailan.

Idineklarang dead on arrival sa Bangui Hospital ang mga biktimang sina Bety Versola, Mayor ng Luna, Apayao at bodyguard nitong si Marlon Taclibon.

Nilapatan naman ng lunas sa ospital ang mga nasu¬gatang sina Vice-Mayor Josephine Bangsil, driver na si Jun Ildefonso at Milet Agustin.

Sinabi niChief Supt.Ricardo Marquez, Director ng Police Regional Office (PRO)1 na naitala ang malagim na aksidente sa kahabaan ng highway ng Brgy. Pasaleng, Pagudpud bandang ala-1:20 ng ma-daling-araw.

Lumalabas sa pagsisiyasat na lulan ang mga biktima ng kulay pulang Montero Sport vehicle (SKP 730) na minamaneho ni Jun Ildefonso galing Baguio City at pabalik na sa Apayao nang mangyari ang insidente.

Ayon kay Marquez, mabilis ang takbo ng behikulong sinasakyan ng mga biktima habang bumabagtas sa naturang highway nang biglang may tumawid na kalabaw na tinangkang iwasan ng driver bunsod upang sumalpok ang SUV sa isang puno sa tabi ng highway na ikinamatay ng mga biktima.

Samantala, patuloy pa rin ang masusing pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa nasabing aksidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.