Aljur, tinalbugan na si Mark Herras

MULA SA PAGIGING Starstruck Ultimate Hunk, susubukan ang husay ni Aljur Abrenica bilang pinakabagong Primetime Hunk sa kanyang papel bilang si Machete ng GMA-7. Matagal na palang pina-ngarap ng binatang mapasakamay niya ang role ng isang matapang at makisig na mandirigma tulad ni Machete. “Opo. Alam ko si Machete, pero hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng Machete. Since then, nag-research na ako. Nu’ng malaman ko ‘yun na pala si Machete… 3 years ago, pinaghahandaan ko na si Machete, 17 years old ako noon.”

Excited na ikinuwento ni Aljur na may orginal copy siya ng Machete ni Gardo Versoza pero hindi pa niya ito napapanood.  “Ngayon ko lang po nakuha ‘yung copy. ‘Yung kay Cesar, wala pa po pero binabalak kong tawagan si Kuya Buboy (palayaw ni Cesar) para hiramin ang kopya niya. As much as possible, ayaw ko sanang gambalain siya dahil nahihiya po ako sa kanya. Kailangan ko lang po mapanood kaya kung puwede hihiramin ko ‘yung copy niya ng Machete. Bata pa kasi ako noon nu’ng ipalabas ‘yun.”

Ano nga ba mayroon kay Machete para pangarapin ito ni Aljur? “Kasi noong nabasa ko si Machete, Pinoy na Pinoy, moreno at macho. Nu’ng makita ko ‘yung katangian niya, bilang actor nasabi ko sa sarili ko na bagay sa akin ‘yung character ni Machete at kaya ko! At saka ‘yung pagiging wild niya, warrior po kasi siya. ‘Yun ang ibig kong sabihin. At simula noon, parang inasam-asam ko na magampanan si Machete.”

Wild nga ba sa totoong buhay ang actor? “May wild side din siyempre, animal side. Lahat naman ng tao may wild side din. ‘Yung wild side, sa akin na lang po ‘yun, mga personal na ganyan.”

Hindi raw makinis ang kutis mo kaya ayaw mong magbahag? “Gusto kong magbahag, sila lang po ang nagsabi na huwag na lang daw. Masyado daw daring, may viewers po kaming mga bata.”

Comment ni Aljur sa naging pahayag niya na naka-virginize sa kanya na older woman from the South na isa ring artista. “Sa akin na lang po ‘yun, ang sa akin kung anuman ‘yung tinanong natural po siguro ‘yun sa mga tao. Nasabi ko lang ‘yung bahagi ng aking pagkatao, hanggang doon lang ang masasabi ko.”

Naging antipatiko tuloy ang naging dating ng Kapuso actor dahil naging kiss and tell siya. “Para sa akin, sinabi ko ‘yun dahil… hindi naman siguro magiging kiss and tell dahil wala naman akong binanggit na pangalan. Sinabi ko lang po, nai-share ko lang ang bahagi ng aking buhay. At saka, hindi naman po kayo nakakasiguro kung sino ‘yun. “

Kumusta naman kayo ni Kris Bernal? “Sa totoo po, siyempre na mi-miss din po. Nami-miss kong makapareha uli si Kris dahil marami na kaming pinagsamahan. Kung hindi rin dahil sa kanya wala ako sa kinatatayuan ko ngayon.”

May pressure ka bang nararamdanan dito sa Machete? “Siyempre naman po, lahat naman po ng proyekto na ibinibigay sa akin, pressure. Even noong magkasama pa kami ni Kris, ‘yung tiwala iba, so sa amin, ginawa namin ang lahat ng aming makakaya.”

Tinalbugan mo na raw ‘yung ibang produkto ng Starstruck tulad ni Mark Herras? “On my part po, hindi ko nabi-visualize dahil kami ni Mark ay magkaiba. May nagagawa ako na hindi niya kayang gawin. May nagagawa siya na hindi ko kayang gawin. Malaki po talaga ang respeto ko kay Mark. Siya po ang unang-unang survivor po sa Starstruck. Madalas ko siyang nakakasama sa Party Pilipinas.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Aljur, tinalbugan na si Mark Herras

  1. regardless if ALJUR knows machete BETTER OR NOT, he is more than enough to play the role on his own right. he is the perfect role model for the youth after incidents unknown to everyone for helping out people without really showing off. he has remained quiet and simple and we adore his great personality than the image he is trying to portray. professional wise and personality wise keep it up ALJUR! YOU'RE THE BEST

Leave a Reply

Your email address will not be published.