Aljur denied dating 15-year old girl in Puerto Galera *exclusive photos*

NU’NG NAKARAANG HOLYWEEK, nakita itong si Aljur Abrenica sa Puerto Galera na may ka-date na isang 15-year old na babae. Sa interbyu kay Aljur sa Startalk, itinanggi niya ang babae, at pinabulaan din niya ang nauna nang nasulat sa mga tabloid na may ka-date nga siya sa nasabing beach.

Sabi mismo ng nanay ng 15-year old girlash,  isa pala itong product promotion model, incoming 4th year high school at varsity player (volleyball) sa pinapasukan nitong eskuwelahan. At ang namesung, Michelle Saludo.

Ayon kay Mudra, totoong naka-date ni Aljur itong si Michelle, bagama’t hindi naman daw sila magkasamang nagpunta sa Puerto Galera, at du’n na nga lang nagkakilala.

May promo umano sa lugar ang CHILL, isang brand beverages, at isa si Michelle na nag-iikot-ikot sa beach bilang isa sa mga product endorsers. Hanggang sa makita nga nila ang grupo nina Aljur. Kasama raw ni Aljur ang kanyang kapatid na si Vince at ang sikat sa Youtube na Moymoy Palaboy duo.

‘Yun na daw ang simula ng pagkakapalagayang-loob nina Aljur at Michelle, na nauwi sa dalawang magkasunod na gabi (Huwebes at Biyernes) ng paggigimik na inaabot na ng umaga. Korek, mga kaparazzi! Ang chika nga ni Mudra, magdamagan nga raw magkasama itong sina Aljur at Michelle, gayundin ang kapatid ni Aljur na si Vince at ang kapatid din ni Michelle, na Melrose naman ang namesung.

Sabi pa, “The kids (Michelle and Melrose) had fun with them (Aljur and Vince) sa hotel room na inu-occupy nila, nag-gitara, kantahan, and were able to meet Aljur’s parents.”

Ang nakakaloka lang, sabi pa ng aming pinagkakatiwalaang source, halos maiyak sa lungkot ang girlash nang idenay nga ito ni Aljur sa Startalk. Tinutukso-tukso nga rin daw ito ng mga kaibigan at kaklase, dahil kung paano raw niyang ipagmalaki si Aljur na napakabait at hindi naman daw pala showbiz, eh, ganu’n na lang kung itanggi siya.

Sabi pa nga ng aming source, napaka-ungentleman ni Aljur para gawin iyon. Hindi nga raw kasi nila ini-expect iyon mula kay Aljur. Pinatunayan nga lang daw ni Aljur na wala siyang ipinag-iba sa iba pang showbiz personalities. Sabi nga, napaka-showbiz!

‘Yun nga lang, kung dalawang gabi kayong magkasama, at halos umagahin sa kung saang gimikan, hindi pa ba ‘date’ ang tawag du’n? Idenay man nang idenay ni Aljur ang chikang ito, maglalabas pa kami sa susunod na isyu ng mga litratong galing Puerto Galera na magkasama silang dalawa ni Michelle.

PARAZZI WIRES PHOTOS

Previous articleSpecial Feature: Pacman is the Man!
Next articleDyan Castillejo, banned at Pacquiao-Hatton fight

No posts to display