Aljur and Rhian’s Biggest Challenge

IPALALABAS NA sa mga sinehan ngayong Miyerkules ang My Kontrabida Girl, ang bagong romance-comedy flick mula sa GMA Films. Ito ay pinagbibidahan ng homegrown Kapuso stars na sina Aljur Abrenica at Rhian Ramos sa ilalim ng direksiyon ni Jade Castro.

Masasabi nating ‘big risk’ sa panig ng mga producer ang pagsasama nina Aljur at Rhian sa big screen. Unang nakitaan ng chemistry ang dalawa nang magsama sila sa fantaseryeng

Ilumina’ noong 2010. Mas tanggap ng mga manonood noon ang AlKris (Aljur-Kris) tandem samantalang si Rhian naman ay palaging ipinapares sa top leading men ng Kapuso Network.

Pagdating sa telebisyon, hindi maikakailang may kani-kaniyang fanbase na ang dalawa. Malakas din sila pagdating sa product endorsements at hindi rin naman sila magpapatalo sa aktingan, sayawan, kantahan o sa pagpapakyut sa harap ng camera. Para siguro mabigyan ang kahilingan ng ilang tagahanga na mabigyan naman sila ng break sa big screen, nag-isip ng magandang konsepto ang film outfit ng Kapuso Network.

Sa totoo lang, na-excite ako nang marinig ko ang concept ng My Kontrabida Girl. Nagustuhan ko ang performance noon ni Rhian sa La Lola at para sa akin, may ibubuga talaga siya pagdating sa comedy. Kinailangan din ni Aljur na patunayan muli ang sarili niya dahil winasak ng bagyong Ondoy ang kita ng kauna-unahan niyang pelikula na Nandito Ako with Kris Bernal, samantalang may mga nagsasabing nasapawan siya nina Mikael Daez at Tom Rodriguez sa Temptation Island remake.

Matagal na ring walang regular show sa primetime sina Aljur at Rhian. May panandaliang exposure si Aljur sa Amaya ilang buwan bago ito nawala sa ere, ngunit hindi iyon sapat. Si Rhian naman dapat ang leading lady ni Dingdong Dantes sa My Beloved, pero mas pinili nitong mag-backout the last minute dahil sa kinasangkutang kontrobersya sa kanyang failed love life.

Nakikitaan naman ng determinasyon ang dalawa na makabangon at ang wish lang namin ay bigyan sila ng mga moviegoers ng pagkakataon. ‘Ika nga, isa itong ‘make or break’ project para kina Aljur at Rhian. Goodluck!

 

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.