Aljur Abrenica, walang tiyaga sa mga fans

Aljur-AbrenicaNU’NG SUNDAY, pagkatapos ng Sunday All Stars, nasaksikahan namin ang unveiling of Walk Of Fame GMA-7 version ni Kuya Germs (German Moreno) na ginanap sa paligid, labas ng GMA Compound. Pero nainterbyu ko na si Aljur Abrenica sa canteen pa lang ng SAS bago ang blessing at ceremony ng Walk of Fame, at nakalulungkot ang hitsura ng guwapong actor kung gaano siya katamlay, dahil sa isyu nila ngayon nina Geoff Eigenmann at Carla Abellana, dahil binawalan na yata si Aljur Abrenica na magsalita.

Nu’ng isinasagawa na ang seremonya sa Walk of Fame, nasalubong ko pa si Aljur sa kanto ng EDSA at Timog Avenue, at nakita ko rin na mga anim na babaeng fans ang sumisigaw ng: “Aljuuurr!  Aljuuurr!” pero hindi niya nilingon o pinansin, bagkus ay dumiretso lang ang bidang actor ng Kambal Sirena sa kanyang paglalakad patungo sa gate ng GMA sa harap ng Timog. Sabi tuloy ng mga fans: “Ang suplado ni Aljur! Hindi man lang namansin!”

Sobrang matamlay kasi talaga si Aljur. Pero artista siya at hindi naman alam ng mga fans kung bakit siya matamlay, kaya hindi siya namamansin. Pero dapat isipin ni Aljur, na kailangan din niyang magtiyaga sa kakulitan at paglalambing ng mga tagahanga. Kumaway lang siya at ngumiti kahit kunwari lang ay malaking bagay na ‘yon sa mga fans na humahanga sa mga artista.

Hindi na kailangang sundan ni Aljur ang pagiging matiyaga nina Nora Aunor at Vilma Santos sa kanilang mga fans, dahil baka malula si Aljur kung hanggang saan inihatid na kasikatan ng kanilang mga tagahanga ang Superstar at Star for all Seasons. Si Gary Valenciano rin ay nakita ko kung gaano katiyaga sa kakulitan ng mga fans. Ilang ulit nang itinatapat si Aljur kay Gerald Anderson, pero sa nakita ko ay mas matiyaga rin si Gerald sa kakulitan at paglalambing ng mga fans kumpara kay Aljur.

Napaka-unstable pa ng kasikatan ni Aljur, kaya kailangan niyang magtiyaga sa kakulitan ng mga fans. Wala pa siyang marka sa showbiz kahit isa man lang pelikula na kumita sa takilya. Nagbibida pa lang siya sa telebisyon. Ang marka pa lang niya ngayon sa showbiz, kapag sinabing Aljur Abrenica ay guwapo na may magandang katawan na ka-loveteam ni Kris Bernal.

Huwag na tayong lumayo, dahil Kapuso actor si Aljur. Sana ay alam ni Aljur kung gaano rin katiyaga si Dingdong Dantes sa kanyang mga fans mula nu’ng simpleng dancer pa lang siya, hanggang sa ngayon na Primetime King na siya ng GMA.  Si Robin Padilla din na daddy ng karelasyon ni Aljur na si Kylie Padilla ay napakatiyaga sa kanyang mga fans, kaya naging Action Superstar siya.  Itanong din dapat ni Aljur kay Kuya Germs ang kahalagahan at pagtitiyaga ng mga artista sa mga fans, dahil hari rin si Kuya Germs ng tiyaga sa mga fans, kaya hanggang ngayon ay narito pa rin siya sa showbiz.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

2 thoughts on “Aljur Abrenica, walang tiyaga sa mga fans

  1. Kilala ko tong reporter na ito sya yung isa sa mga bayaran ng ABS CBN lage ito tambay sa channel 2 kasama mga make up artists… panigurado balck propaganda ito laban sa kambal sirena ni aljur … ganyan talaga ang dos madumi lumaban… mababa kasi rating dyesabel sa maga manila eh dito pa naman nakatira halos lahat bumibili ng products ng mga advertisers… nakakahiya kang reporter ka… lumaban ka ng patas…

  2. naku hindi ka tatagal niyan sa industriya pag ganyan ka… bano ka na ngang umarte, hindi mo pa minamahal ang mga fans mo

Leave a Reply

Your email address will not be published.