Aljur Abrenica, two-timer?! – Mell Navarro

NAKAKALOKA ANG PAMBUBUKING ng isang psychic kay Aljur Abrenica nang mag-guest sa Startalk last Saturday. Kaharap ng psychic si Aljur at ang ka-loveteam na si Kris Bernal na halatang mas in-love sa guwapong Kapuso heartthrob.

Along the conversation at mga panghuhula ng naturang psychic, hinulaan ang career and lovelife ng dalawa. More on the zodiac signs ang aspeto ng panghuhulang ginawa ng psychic, kung ano ang naghihintay na kapalaran sa dalawa ngayong 2010.

“Aljur, sasabihin ko na ha, dahil hindi ako marunong magsinungaling, e,” paghingi ng permiso’t pasakalye muna ng psychic ke Aljur, na halatang nagulat at kinabahan.

“Meron kasing kasabay si Kris, eh, pinagsabay mo!” Pambubulgar-pambubuking ng female psychic, na ang say ng host na si Butch Francisco, eh, matagal na niyang kakilala.

“Nabaliw” si Aljur at halatang gulat na gulat at napatawa na lang, kahit hindi ito nag-confirm at nag-deny, samantalang si Kris ay parang natulala, huh!

Mukhang nagka-inlaban na nga ang dalawa lalo’t may new telefantasya silang The Last Prince sa GMA-7, pero kahit na noon pa man, feel naming mas nag-fall itong si Kris kesa kay Aljur. Pero kung may kahati man si babae sa puso ni lalaki, mas masakit ‘yun, kaya tigilan na ang pagiging martir, huh, Kris!

Puwede naming mag-work ang isang loveteam na hindi naman talaga sila ang magka-on sa personal life. Maraming naging sikat na loveteams noon pa man hanggang ngayon, pero hanggang trabaho lang.

HINDI NAMAN PALA magkakabanggaan ang balik-tambalang Aga Muhlach at Regine Velasquez na Of All The Things ng Viva Films, with that of Bea Alonzo and John Lloyd Cruz na Miss You Like Crazy from Star Cinema naman.

Ang Aga-Regine ay may target na pasok sa Valentine’s Day o Valentine’s week, samantalang ang Bea-Lloydie comeback film rin ay may post-Valentine playdate.

As always, producers ang tumitipak sa takilya ‘pag Araw ng mga Puso. Kaso mo’y nasa kasagsagan pa ng shooting si Direk Joyce Bernal for Of All The Things, sana’y matapos nga niya ito. Miss na miss na si Aga ng kanyang fans on the big screen, and kahit na anong Aga film naman ay worth watching for.

As for Regine, meron pa rin kaming nare-receive na e-mail messages from her fans na disappointed sa professional decision ng Songbird na maging kontrabida ni Marian Rivera sa Darna, as one of her kalaban.

Kung ano man ang rason ni Regine ay respetuhin na lang natin. Baka natsa-challenge din siya for the off-beat role na baka nga naman ‘di na niya makuha in the future.

Meron pa naman silang Diva ni Mark Anthony Fernandez with Glaiza de Castro, isang new Kapuso teleserye, at balik-bida ang inyong paboritong singer-actress, Regine fans!

AYAW NANG PATULAN ni Heart Evangelista ang intriga sa kanila ni Cristine Reyes, komo may issue nga sa kanila na nag-iiringan in print – or for that matter – sa cyberspace.

Since hi-tech na ang mundo ng showbiz ngayon, sa Twitter accounts ng bawat isa ang nasulat na nagpapasaring o nagre-react ang dalawa, dahil lang kay Dennis Trillo, na open sa pagsasabing ina-admire nito ang Mano Po 6 co-star na si Heart.

Nang mag-win si Heart as best supporting actress sa MMFF, nag-isnaban naman daw sila ni Cristine on stage, kahit si Cristine ang isa sa presenters ng category ni Heart.

Say ni Cristine, “Walang chance na magkalapit kami dahil nag-picture taking agad on stage, at ang dami talagang tao!”

Hirit naman ni Heart, “It’s new year, let’s not talk about these things!” Or words to that effect. In fairness to Heart, halatang ‘di ito apektado ng issue.

‘Yun lang and babu!

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

9 thoughts on “Aljur Abrenica, two-timer?! – Mell Navarro

    • Gwapo siya yun nga lang hindi lahat ng may hitsura ay pwedeng ilagay sa screen.

  1. Naka-ride lang naman sina Aljur at Kris sa loveteam nila, dahil pumatok; pero may kanya-kanya namang ibang love relationship ang mga iyan. Kaya nga sa tv, fake na fake ang sweetness niyang dalawa. Nakaka-alibadbad ang pda nila sa tv.

Leave a Reply

Your email address will not be published.