Aljur Abrenica, sued for molesting 16-year old

Kasama ang kanyang ina, kapatid at mga kaibigan, umiiyak na nagsadya kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Violence Against Women and Children Division ang Chill model na si Michelle Saludo upang ireklamo ng acts of lasciviousness ang GMA 7 talent na si Aljur Abrenica, ito ang nabatid ng Pinoy Parazzi mula sa isang mapagkakatiwalaang source sa NBI.

Ayon sa Pinoy Parazzi source, mangiyak-ngiyak na nagtungo roon si Michelle, 16, kasama ang kanyang ina, kapatid at mga kaibigan na tumatayo ring mga testigo upang pormal na ilahad ang di umano’y pangmomolestiya sa kanya ni Aljur.

Sa sinumpaang salaysay ni Michelle sa NBI, naganap ang pambabastos ng aktor sa kanya sa White Beach Puerto Galera, Oriental Mindoro noong Abril 10-11.

Ani Michelle, naroon siya sa Puerto Galera noong mga petsang iyon dahil kasama siya bilang product endorser ng Chill Beverage, produktong ipinu-promote ng RBH Entertainment Network kung saan siya’y empleyado.

Ayon kay Michelle, nakilala niya si Aljur nang alukin niya itong bumili ng Chill Beverage noong Abril 10. Kasama noon ni Aljur sina Moymoy Palaboy, Mocha girls, kapatid na si Vince, isang GMA talent at iba pang hind napangalanan.

Sinabi ni Michelle na naganap ang pambabastos sa kanya ni Aljur nang yayain siya nitong makipag-inuman kinagabihan sa pampang ng White Beach.  Pinainom daw siya ng aktor ng beer at Bailey’s at maya-maya pa’y nagsimula nang maging malikot ang mga kamay ng aktor sa paghawak sa kanya.

Sinabi rin ni Michelle na saksi sa pangyayari noong gabing iyon ang kanyang kapatid na si Melrose at kaibigang si Jake Aguilar.

Idinagdag pa ni Michelle na ang buong akala niya’y titigil na sa pambabastos sa kanya si Aljur subalit kinabukasan nang makaalis na ang mga kaibigan nito ay lalong naging mahawak sa kanya ang aktor na dumadako rin sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon sa abugado ni Michelle na si Atty. Kit Belmonte, bukod sa naganap na pambabastos ni Aljur kay Michelle, dumaranas din ang kanyang kliyente ng hindi makatarungang paghuhusga ng publiko dahil ito ay pangkaraniwang babae lamang samantalang si Aljur ay isang sikat na artista. Ito raw ang kanyang nakikitang dahilan kung bakit si Michelle ay kailangang bigyan ng araw at laban sa korte.

loading...

34 thoughts on “Aljur Abrenica, sued for molesting 16-year old

  1. pano ba yna, dismissed ang kaso laban ke aljur? ibig lang sabihin napatunayan na walang katotohanan ang sinasabi ni micelle na hinawakan sha sa boobs ni aljur.haha!

  2. kawawa tlga si michelle .. she seems to be traumatized with this situation .. wala sa itsura nia na nag hahabol lng xia ng publicity. coz kahit man gustuhin niang mag artistsa, eh pedeng pwede niang fawin un coz she’s pretty much! bata pa lng pero my potential xia.. kaya kau, wag puro side lng ni lajur ung ispin nyu. kundi pati side ni michelle though she hasn’t spoken for her part. let’s support her.. alam ko my mga kaibigan din kaung babae.. wat if sa kanila mangyari to?baka hindi lng ito ung gawin nila! c michelle ang biktima dito.. hindi c aljur kaya pde ba, tama na mga paninira sa kanya.. and god knows the truth.. of course, the truth will set them free! mga sawsaw xe kau.. baka kau ang gustong sumikat!!

  3. baka pamilya pa ng babae ang idemanda ng DSWD sa kagagawan nila, product endorser ng alak, ang isang menor di edad, buti kung softdrinks lang yon.

    at isa pa minolesya pa sya sa harap mismo ng kapatid at isang kaibigan nya,

    sa rami ng nakakasalamuhang tayo ng isang artista, malamang hindi ka nga matandan.

    kung totoo nga ang nangyari, talagang dapat managot si aljur, pero bakit kailangan pang ngayon lang idemanda, bakit sa NBI pa, pwede mo naman isumbong sa pulis, kung ganon ang nangyari sayo.

    at may manager na pala ang babae, gumagawa ng pangalan

  4. haiz….kng 22o man yang cnasabi mo edi dapat noon palang n nangyari un cnabi mna kagad…kaw talaga gurl! hndi kalang pinansin ni papa aljur after ng galera tym nagkaganyan kna! hmp!

    • potanez ka.. bakit maganda ka ba ha? tae ka.. feeling mo.. magka alaman na lng.. isang bonggang face oof kau ni michelle.. kumapit ka, baka lamunin ka ng GANDA NIYA!.. baka kaw ang gustong Mag artista kaya ingay ka ng ingay jan..

      • face off na lng!! mag post ka ng picture mo.. ung PINAKA maganda na sa tingin mo.. lalaban namin pic ni michelle, bagong gising pa xia.. partida.. nakakahiya naman sau..

  5. pdrama effect pa tong babaeng to e ang landi mo kya bakit ka sumama makipag inuman ang batabata mo umiinom kna ksma mga lalake ha at yang nanay mong kunsintidora mukang kailangan ng pera pgsabhan mo yang anak mong malandi e pnagkakalat pa sa mga kaibigan nyang ngkarelasyon sila ng 2 arw? dineny ka lang ni aljur e ngsmpa kana agd ng kso hinipuan ka? o sadyang ngpahipo ka? bata bata mo e ngmmodel ka ng beer

    • bumbilya!! nakita mu namang chill ung hawak niya, kitang kita dun na flavored water un.. mag basa ka nga.. well, sorry ka na lng.. xe xia ma K mag promote ng ganun.. ikaw?.. asa ka na lng.. in yer dreams!

  6. haha desperate move after sabihin ni aljur na nakilala lang sila puerto di makapayag ang ina at ganito pa ang ginawa ano kaya ang sabi ng ama nito. hay naku pathethic losers… tiyak fiesta na naman sa dos hehe.

  7. promise malaki pa katawan ng babaeng to sakin samantalang my anak nako.. taba nya ha. at hindi sya maganda..

  8. pagnakita nting lumabas sa tv ang girl n2….hmmmm
    at tlgang may balak mag artista…ngayon plng nag sa2nay ng umarte
    hehehe

    goodnight!!!!

  9. 16 years old ay nakikipag-inuman na at ano ito pain? Pahilig hilig pakay Aljur sa picture. kita naman sa picture na ang babae ang nagpapakita ng motibo

  10. hay naku old style na ito ineng. dahil kung talagang nabastos ka ng todo todo dapat nagsumbong ka kaagad sa police at nagfile ng pang-aabuso lalo na at hinawakan ka sa maselan na bagay. Kung gustong mag-artista lumapit kay lolit kulit or kung gusto ng pera maghanapbuhay ka. Batang bata pa ay gala ng gala at nakikipagharutan na.

  11. isang malaking paninira lang e2… kc nbasa ko na b4 na ung mismong ina ng girl ang nagppakita ng pic sa ibang reporter tapos cnsbi n me relasyon dw si aljur sa anak nya… parang d naniniwala ung rreporter kc prang gustong mag artista nung girl…tapos ngaun uso ung mga sex video nki ride cla pra makakuha ng simpatya at dhil sa sikat na ngaun c aljur..sa tingin ko meron nsa likod ng lahat ng ito mukhang binayaran cla at me pangako n ipapasok cla sa showbiz at pra n rin mkilala agad sya….

    • hindi sisikat sila aljur kung di niya ginamit si michelle!!! sila ang unang nag react kahit na ilang wiks ng lumipas ung issue..at dapat lng mag react si michelle dahil sya ang biktima dito!! mag iisip nga kayo!! gusto niyo lng pumanig ky aljur dahil artista xia..di makatarungan yan!!!

  12. haller april 10 pa yan day, kung nabastos ka nung gabi na yun sana kinabukasan pa lang nagreklamo ka na, 2 months na kaya yan saka mo lang naisip na nabastos ka pala..ginusto mo yan day, baka bigla ka iniwanan ni aljur at nag ecpect kana na kayo..kaya yan ang ganti mo..haller..

  13. bat ngayon lng yn lumabas eh nung april p nngyari.? gsto lng makilala.. tsk! bata2 p kc lumalandi n!

  14. baka bitin? may video ba sya na magpapatunay na nilapastangan sya ni aljur? sana binidyo nya! ang sabi nga ng matatandang maginoong manyak, kung ayaw ng babae, walang magagawa ang lalaki. kung simula pa lang ng mga yapos sa kanya pumalag na sya, eh di hindi na sana aabot pa sa kasukdulan ng langit. walang manok na tutuka kung walang palay na lumalapit. baka naman naliitan sa junior ni aljur?

  15. hay nako .. wala kaung alam sa ngyari! well gusto lang ipaglaban ni michelle ang rights nya .. sapalagay nyu ba makakapagsalita sya nung fresh pa ung issue e bira kau ng bira?! at take note! nde naman pinayagan ng gma na mabigay ng pahayag ang magina! mga engot kau .. kikitid ng utak nyu! e kung kau kaya sa lugar nun batang yun? diba masakit din ? .. mashado kasi kaung obsess sa artistang nde dapat pagkatiwalaan!

  16. gnun?? bat ngayon kalang lumantad ulit?lol crush mo lang si aljur kase gustung gusto mo nman ginawa nya if ever na meron man..oh bka nman gusto mo lang mgartista michelle? kwawa ka nman…next tym kase kung may mambabastos sayo wag mong hayaan gawn nya yun sumbong agad sa police…

  17. bakit ngayon ka lang nag-iingay? Maniwala ako sa babaeng ito. Naghintay pa ng mahigit na isang buwan bago magreklamo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.