ALJUR ABRENICA, PANININDIGAN ANG PAGIGING ULTIMATE HUNK

PALIBHASA AY NAGMUMURA ang abs at muscle ni Aljur Abrenica sa Machete, tuloy, binansagan siyang young sex symbol ng local cinema ng mga kafatid natin sa panulat.

Flattered naman ang binata dahil ‘yun naman ang napanalunan niyang title sa StarStruck, ‘Ultimate Hunk’, na dapat ay patunayan ng aktor. Bini-build-up siya ngayon ng GMA-7 as hunky young male lead.

“Parang gano’n nga po ang nangyayari. Dati, pang-teen crowd ang ibinibigay sa amin na soap ni Kris Bernal hanggang naging mapangahas ang role na ginagampanan ko,” wika niya.

Naka-love scene ni Aljur si Ara Mina sa isang daytime soap na very memorable sa kanya. Mainit ang eksenang ‘yun ng dalawa, kaya may tsika na nagkaroon sila ng short-lived affair while doing the teleserye. Pilyong ngiti lang ang naging tugon ng binata. Wala siyang sinabi tungkol dito, pero hindi niya itinanggi na mas naa-attract siya sa older woman.

Naging sentro din ng intriga ang rebelasyon ni Aljur sa first sexperience niya with young female starlet na kasing edad niya from the South. Marami ang nag-react sa naging pahayag ni Machete, pero nagpakatotoo lang naman ang hunk actor. Hindi man niya binanggit ang pangalan, pero obvious na si Rich Asuncion na kapwa niya StarStruck ang tinutukoy. Marami ang nagpapatotoo na nagkaroon nga ng relasyon ang dalawa, pero itinatanggi nilang pareho.

Inamin ni Aljur na ready na siyang gumanap sa mas challenging role na ibibigay sa kanya sa TV at pelikula. Papaano kung kailangan sa eksena naka-brief ka lang with your leading lady?

“Okey lang po ‘yun, basta hinihingi sa istorya na kailangan kong gawin at hindi bastos ang kalalabasan. Unti-unti lang, dahil marami pa po akong puwedeng gawin at ipakita,” sey niya.

PINAG-USAPAN KAMAKAILAN LANG ang kakaibang ikinikilos ni Tuesday Vargas tuwing nagte-taping ito ng Talentadong Pinoy. Madalas daw na mainitin ang ulo at parang wala sa sarili ang singer-comedienne, ayon sa mga nakapaligid sa kanya. Tuloy, pinagdudahan na baka buntis ito dahil sa pagiging masungit at palaging nakasimangot tuwing kinakausap ang komedyana.

Agad namang sinagot ni Tuesday ang issue. “Totoong nawawala ako sa sarili paminsan-minsan dahil sa naiibang nararamdaman ko. Binansagan nga akong constipada, na totoo naman. Lately ko lang nalaman na medical condition pala ito at hindi healthy sa katawan natin. Nabalita pa ngang buntis ako, sana nga totoo, dahil gusto ko nang magka-baby,” paglilinaw ng TV host/singer.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.