Aljur Abrenica, pagsasama-samahin ang mga babae niya sa B-day show!

KUNG MATUTULOY, magiging bongga ang darating na kaarawan ng GMAAC prime talent na si Aljur Abrenica na magseselebra ng kanyang kaarawan sa March 24, pero March 25 niya gagawin ang selebrasyon, sa kanilang resort/bar sa Batangas.

Dahil pagsasama-samahin niya ang kanyang mga naging ka-loveteam at mga babaeng na-link dito sa isang birthday show, kung saan libre ang kanyang mga tagahangang makakapasok sa nasabing event.

Ilan sa inaasahan nitong dadalo ang kauna-unahan niyang ka-loveteam na si Kris Bernal at ang nali-link sa kanyang si Kylie Padilla at ang leading lady niya sa My Kontrabida Girl na si Rhian Ramos.

Tsika pa ni Aljur, isa lang ang wish niya sa kanyang kaarawan, ang panoorin ng kanyang mga tagahanga ang kanilang pelikula ni Rhian. ‘Yun lang daw ang hinihingi niyang regalo mula sa kanyang mga tagahanga.

 

MARIING PINABULAANAN ng star ng Hiram na Puso na si Kris Bernal na nagparetoke siya kaya naman nag-uumapaw ang ganda nito ngayon sa kanyang pagbabalik sa Dramarama sa Hapon.

Kung ilang buwan din kasing namahinga si Kris after ng kanyang primetime soap na Time of My Life. At sa kanyang pagbabalik, blooming na Kris Bernal ang nabungaran ng press people na nag-akalang nagparetoke ito kaya mas gumanda.

Pero ayon kay Kris, nakapagpahinga lang daw siya at medyo nagpataba kaya nag-iba ang kanyang hitsura. Kaya mali raw ang akala ng marami na nagparetoke siya. Masyadong masaya lang daw siya sa kanyang personal na buhay at buhay-showbiz, kaya kusang lumalabas ito sa kanyang panlabas na anyo.

At kahit nga raw zero ang kanyang lovelife, hindi problema ito kay Kris dahil mas gusto raw niyang tumutok sa kanyang showbiz career, lalo na’t may bago na naman siyang show na aabangan ng kanyang mga tagahanga, kung saan makakatambal niyang muli ang Bad Boy sa Dance Floor na si Mark Herras.

 

WALANG PALIGUY-LIGOY na sinabi ng masipag at napaka-PR na tinaguriang Atorni ng Bayan na si Atty. Persida Acosta na if ever isasa-pelikula ang kanyang makulay na buhay, ang kanyang fave actress na si Dawn Zulueta ang gusto niyang gumanap bilang Atty. Persida Acosta.

Napakaganda ng pinagdaanang buhay ni Atty. Persida bago niya narating ang kanyang kinalalagyan ngayon. Kuwento nga nito na isa siyang anak ng bus driver at mananahi at nagsikap talagang makatapaos ng pag-aaral para magkaroon ng magandang  kinabukasan.

Kaya naman ngayong nasa magandang estado na ang kanyang buhay, siya naman ang tumutulong sa ating mga kababayan mula sa kanyang show na Public Atorni: Asunto o Areglo na napapanood sa TV5 tuwing 4:45pm from Monday to Friday.

 

HINDI RAW big issue sa Tween star at endorser ng FUBU International  at Rescuederm na si Rhen Escaño kung sakaling kontrabida role ang ibinibigay sa kanya ng kanyang home studio na GMA-7, dahil ang mahalaga raw ay may trabaho siya at hindi nababakante.

Isa nga si Rhen sa masuwerte ngayong pagsipa ng 2012 dahil bukod sa kanyang show na Tween Hearts, kung saan napansin ang kanyang galing sa pagkokontrabida bilang si Lucy, kasama rin ito sa The Good Daughter bilang isa sa mean girls na magpapahirap kay Kylie Padilla at sa Legacy bilang kapatid ni Lovi Poe.

Bukod sa mga nabanggit na palabas, napapanood din si Rhen bilang teen co-host ng Walang Tulugan with The Master Showman ni Kuya Germs Moreno. Bukod pa sa nakatakda itong gumawa ng dalawang indie film ngayong taon.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

7 thoughts on “Aljur Abrenica, pagsasama-samahin ang mga babae niya sa B-day show!

  1. alam mo ba Krissy halatang di ka talaga nag watch ng HIRAM NA PUSO.. ano ka ba pakawala ng mga KAPAMILYA artists na bitter kay Kris Bernal.. Sa totoo lang alam mo bang hindi 2weeks ang airing pa ang HIRAM .. nakaka one week palang since nag pilot siya noong March 5.. kaya bago ka magsalita get into the facts please.

  2. excuse Ms. Krissy…

    How dare u say na flop ang HIRAM NA PUSO when both nationwide and Mega Manila HIRAM NA PUSo is doing great in TV Ratings ..No wonder Kris Bernal is Trending in Networking Sites as u search Yahoo Philippines.. In fact half of the show is being mount with several commercialloads.. in fact since itspilot its loads reches to 52 and increasing to 55 as it ends its first week airing ..

  3. flop naman ung hiram na puso diba? hanggang ngayon binibigyan publicity pa rin kasi 2 weeks na pero hindi pa rin pinapanood? how sad naman for kapuso na lahat ng new shows puro flop o low rater, ang nagrerate na lang talaga eh eat bulaga kahit na hindi contract ng kapuso ang eat bulaga. oh well, may years ang kapuso (late 90s at early 2000s) while mid 2000s upto this year and forward ang tinatamasang tagumpay ng kapamilya, whether  we like it or not mga lyal kapuso, kapamilya talaga ang nagunguna ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.