Aljur Abrenica, nanganganib kay Alden Richards!

WALA NAMAN talagang kumukuwestiyon sa na-ging kasikatan ni Aljur Abrenica sa showbiz, lalo pa’t sumusugal naman talaga sa kanyang popularity ang kanyang home studio, ang GMA-7. Mabait na tao at mapakisama ang hunk actor. Ang tanging pinagtataasan lang ng kilay tungkol sa kanyang pagsikat ay kung bakit napakabal ng kanyang improvement tungkol sa pag-arte noon hanggang ngayon. Hindi pa rin kapani-paniwala ang kanyang pag-arte.

Nanganganib si Aljur sa ipinakikitang kahusayan sa pag-arte ni Alden Richards na ngayon ay isa sa mga bida sa teleseryeng Mundo Mo’y Akin ng Siyete, sapagkat wala kang itatapon sa mga eksena ni Alden sa nasabing serye dahil madadala ka ng kanyang kahusayan. Nariyan pa rin naman si Aljur, dahil isa siya sa maraming Kapuso stars na sumusuporta sa pagiging bida ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa teleseryeng Indio.

Masipag naman at mahal ni Aljur ang kanyang career. Ingatan na lang muna niya ang kanyang hitsura. Ang dating kasi ay parang may mailalabas pa siya na hindi pa niya kaya sa ngayon pagdating sa akting. Malay niya kung balang araw ay sumunod siya sa mga yapak ni Albert Martinez na noon ay hindi makasingit sa kasikatan nina Gabby Concepcion at William Martinez, pero ngayon ay mas kinilala si Albert na mahusay na aktor kumpara kina Gabby at William, huh!

 

KAHIT NAMAN nu’ng hindi pa sikat si Lovi Poe ay ma-runong na siyang ilugar sa tama ang kanyang sarili tungkol sa pagiging iba niya sa tunay na pamilya ng kanyang daddy na si yumaong Action King na si Fernando Poe, Jr. Kahit nitong sumisikat na siya ay minsan na ring naging plano sa kanyang career na tanggalin na lang niya ang apelyidong Poe para huwag siyang mapagbintangan ng panggagamit, dahil kinukuwestiyon nga dati na sisikat lang diumano siya dahil anak siya ni FPJ.

Positibo nga ang nangyari na napatunayan ni Lovi ang kanyang sarili nu’ng wala na ang kanyang daddy. Natigil sa kangangakngak ang mga kumukuwestiyon sa kanya tungkol sa panggagamit. Kasi nga, sumikat si Lovi dahil sa pumatok ang mga teleseryeng kanyang pinagbidahan sa GMA-7 at kumikita rin ang mga pelikulang kanyang pinagbibidahan.  Naging pantasya rin ang kanyang kaseksihan, at naging kontrobersiyal din siya, kaya dumiretso talaga ang kanyang kasikatan.

Ngayong kumakandidato si Grace Poe para makara-ting sa Senado, matagal nang willing si Lovi na sumuporta sa pangangampanya ni Grace nu’ng maipakilala na sila sa isa’t isa. Pero hindi pa nakakasama si Lovi sa pangangampanya, dahil hindi pa siya iniimbitahan ni Grace. Sa ngayon, malaki lang ang tuwa at pasasa-lamat ni Grace, dahil nagpasabi na sa kanya si Lovi na tawagan lang siya anumang oras at sasama talaga siya sa pangangampanya.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

7 thoughts on “Aljur Abrenica, nanganganib kay Alden Richards!

  1. I like alden and aljur together.. i mean in a GAY-THEMED teleserye…hindi naman siguro masama.. kapalit ng My Husband’s lover .. i’m sure papatok toh sa publiko :))

  2. I like alden and aljur in a movie together, i mean GAY-THEMED teleserye.. hindi naman siguro masama.. kapalit ng My husband’s lover :)

  3. CHOOSY PA BA? PAREHO LANG MATSALAP ANG DALAWANG YAN. PERO SI ALDEN, BUBOT PA YAN. SI ALJUR, HINOG NA HINOG NA. KAYA DAPAT MAG-READY NA SYANG MAG-BRIEFS O MAGPAKITA NG WETPAKS SA BENCH OR SA COSMO. QUESEHODANG DYUTS YAN. HAHAHA. KALOWKAH!

  4. pareho ko sila gustong tikman… si aljur sarap ng katawan at may itinatagong malaking sausage hehe! si alden mas sariwa kasi bata at yun nga may dugong foreigner kaya alam na, may giant sausage din hakhak!

  5. I like Alden more, maputi, mabango, kissable lips, masarap, bata, sariwa, at higit sa lahat
    Half-American! Alam na! sabi nga ni Coco Martin………..YUMMY!!!!!!!!!! HAHA!

  6. Si Aljur ay all around – singing dancing and acting. I like Aljur better. He is a good son, a good brother and a good person. Gumaling na sa pag arte si Aljur. !!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.