Aljur Abrenica, nakiusap na tigilan na Kylie Padilla, hina-harass ng Al-Kris fans

MAY PAKIUSAP lang si Aljur Abrenica sa fans nila ni Kris Bernal na huwag na sana nilang i-harass si Kylie Padilla dahil hindi naman ito nakasisira sa loveteam nila, eh.

Iba na kasi ang fans ngayon talaga! Ang tatapang na nila kapag tingin nila nakasisira sa loveteam ng idol nila ang isang tao.

Naging open na kasi sina Aljur at Kylie sa relasyon nila. Pero in fairness, tahimik lang naman ang huli at ayaw nga niyang pag-usapan pa. Ang gusto naman ni Kylie kasi, na kung ano man ang magandang relasyon nila ni Aljur, sa kanila na lang ‘yun at huwag nang i-showbiz pa.

Sa totoo lang, ayaw nga niyang makasama si Aljur sa pelikula nitong Kuratong Baleleng pero request lang talaga ni Robin Padilla kaya ginawa nila ito.

Madalas daw kasing naha-harass si Kylie ng Al-Kris fans kaya apektado na rin ang isa. Nalalait ito sa internet na sa totoo lang wala namang ginagawa ang isa.

Kaya sabi ni Aljur, intindihin na lang ang kung anong meron sila ni Kylie.

“Siyempre po hindi ko naman masisisisi ang fans. Humahanga lang naman sila sa amin ni Kris. Maliban sa paghanga, higit pa du’n ang gusto nila,” sabi ni Aljur.

“Pero sinasabihan ko na lang si Kylie na huwag na lang niya pansinin, kasi fans ‘yan. Hayaan na lang niya, kasi may sari-sarili tayong opinyon, may sarili tayong gusto. Respetuhin na lang natin,” patuloy nito.

Kaya pakiusap ni Aljur; “Sa fans, mga tao lang din kami. Si Kylie may damdamin din. Respetuhin na lang natin ang kung ano man pong kagustuhan namin. Pero kami po kung ano man ang kagustuhan ninyo, isa lang naman po ang hangarin namin, ang mapasaya kayong fans.”

Parang lalo ngang lumalim ang pagmamahalan ng dalawa dahil kailan lang hinarap na nga ni Aljur si Robin at seryoso silang nag-usap.

Naintindihan naman daw ng young actor ang naramdaman ni Robin kaya nangako naman siyang malinis ang hangarin niya sa anak nito.

Siyempre, touched naman si Kylie. Pero pareho naman ang focus nila na prioritized ang trabaho at basta nandiyan lang ang lovelife nila.

Bongga na ‘yun!

 

IN FAIRNESS, maganda ang tandem nina Gladys Reyes at Jaya sa bagong show nila sa GMA 7 na Nay 1 1 na magsisimula na sa Lunes pagkatapos ng Unang Hirit.

Marami ‘yan silang mga celebrity mom na pinagpilian nang husto, pero ang nag-swak na maganda ang rapport ay sina Gladys at Jaya.

Maganda ang concept ng show nila kaya feeling ko matataypan ito ng mga misis na viewers.

Mas excited ang alaga kong si Gladys dahil magi-ging Kapuso na rin siya finally. Patapos na siya sa Enchanted Garden sa TV 5 at wala na rin naman siyang show sa ABS-CBN 2 kaya kakaibang challenge daw ito sa kanya ang pagiging Kapuso dahil hosting naman ang trabaho niya rito.

Pero nangako naman ang GMA na bibigyan pa nila ng ibang drama series si Gladys, kaya excited siya sa pagiging Kapuso niya.

Abangan n’yo na lang ang Nay 1 1, sa Lunes na ‘yan, ha?

 

MAY EXCLUSIVE interview pala ang Startalk ang mag-asawang Pia Guanio at Steve Mago na mapapanood na ‘yan bukas.

Isa sa pag-uusapan ay ang pagbabalik ni Pia sa Eat Bulaga na ang hula ng karamihan, hindi na ito makakabalik sa Eat Bulaga.

Siyempre alam naman ng lahat kung ano na ang nangyari sa kanila, pero bongga ang Pia nakabalik pa rin.

Pareho naman silang nakapag-move on, kaya si-guro wala na rin ‘yan kay Bossing Vic, kaya tingnan na lang natin.

Naka-schedule naman ang Eat Bulaga na mag-show sa London at aalis na yata sila next week.

Ang sabi naman nila, sa Lunes na babalik si Pia. Kung matutuloy ‘yan, matitigil pa uli dahil may isang linggong naka-tape ang Bulaga dahil nasa London nga sila.

Tingnan na lang natin ang update kung talagang tuloy na tuloy na si Pia sa Eat Bulaga.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

5 thoughts on “Aljur Abrenica, nakiusap na tigilan na Kylie Padilla, hina-harass ng Al-Kris fans

  1. Ano ba yang si Aljur. Walang teleseryeng siya ang bida na nagtagal. Wala ring hit na pelikula. Pero di matinag ang GMA 7 sa pagka-supporta sa kanya. Sinong executive kaya ang benefactor niyan? Hmm..

  2. Ending npla in 2 wks ang Coffee Prince na ngpilot last Oct 8, ano byab FLOP AGAIN!!!? D man lang aabot ng 1 season w/c is equivalent ng 3 months…tapos sa rating ng AGB mataas, yan n ang patunay na MANIPULATED LNG TLGA ANG RATING NG AGB IN FAVOR S GMA7!!!!

    • haha. tama ka diyan.. wala na kasing panama ang mga prime time shows ng GMA.. as in ABS na talaga ang naghahari sa primetime.. well, hopefully makabawi din ang GMA sana!!

  3. Pingback: Aljur Abrenica, nakiusap na tigilan na Kylie Padilla, hina-harass ng Al-Kris fans - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.