Aljur Abrenica, nabuking si Geoff Eigemann

1 Geoff-Eigenmann-Aljur-AbrenicaIPINAKITA NI Aljur Abrenica ang pagiging gentleman at mataas na paggalang niya sa boyfriend nang may boyfriend nang ibulgar niya sa diumano`y madalas na pagpapadala ng text message ni Geoff Eigenmann sa kanyang girlfriend na si Kylie Padilla.

Sa tunog at timpla nang pagsasalita ni Aljur ay parang ipinaparating niya kay Geoff, “‘Yung kay Pedro, kay Pedro at ‘yung kay Juan ay kay Juan!”

Hindi itinago ni Aljur ang sama ng loob nang matuklasan niya ang text messages ni Geoff sa girlfriend. Ipinakita kasi mismo ni Kylie kay Aljur ang mga text message ng boyfriend ni Carla Abellana na si Geoff nga.

Kaya nang makita ni Aljur si Geoff sa Sunday show ng GMA 7 ay tinapik ng una ang huli para mag-usap. Ayaw nang idetalye ni Aljur kung anuman ang naging pag-uusapan nila.

Isa lang ang sigurado kami, nasaktan si Aljur sa ginagawang pagte-text ni Geoff sa girlfriend. Lumalabas kasi na nawala ‘yung respeto sa kanya ng actor.

“Para sa akin kasi, bilang isang tao ay naiinis talaga ako sa sitwasyon. Bilang isang karelasyon at bilang isang lalaki, never akong nagkulang. Kumbaga, dumating sa punto na kailangan mo talagang kumilos. Ang pino-point out ko rito, ‘yung respeto. Alam ko kung paano mag-handle ng katrabaho. Alam ko kung paano i-handle ang bawat relasyon at ang bawat magiging leading lady ko. Sana matutuo tayong lahat na rumespeto.”

Kung si Robin Padilla nga ay nagawang harapin at kausapin ni Aljur para sabihin nang harapan sa ama ni Kylie na mahal niya ang dalaga ng sikat na action star. Si Geoff pa ba ang makapagpapabahag ng buntot niya?

Wala pang interview kay Geoff sa naturang isyu. Kailangan sigurong magsalita na rin si Geoff upang maliwanagan na rin ang totoong estado ng relasyon nila ni Carla at masagot ang respeto na hinihingi ni Aljur.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Aljur Abrenica, nabuking si Geoff Eigemann

  1. eh kasi naman may gf na kumakarengkeng pa itong si geoff, ang ganda ganda ni carla, matalino pa tapos ipagpapalit kay kylie?

Leave a Reply

Your email address will not be published.