Aljur Abrenica, nabigyan ng bagong chance sa “Once Again”

Aljur Abrenica

Janine Gutierrez and Aljur Abrenica

Bagay kay Aljur Abrenica ang title ng bago niyang primetime series sa GMA-7 na “Once Again” with Janine Gutierrez. Para kasing second coming niya sa TV network ang pagkakaroon niya ng bagong programa.

Hindi kasi lahat ay nabibigyan ng second chance sa showbiz na kagaya niya na after niyang idemanda ang network ay aalagaan siya ulit, huh! At least, mabubuhay na ulit ang career ni Aljur dahil sa GMA.

It only shows na being a homegrown talent of GMA 7 at produkto ng Starstruck, meron pa rin silang plano sa binata at hindi nila ito basta-basta ineetsa-puwera. Baka nga naman maiangat pa nila ang career ng binata rito sa “Once Again” na katulad ng nangyari kay Alden Richards. Who knows, ‘di ba?

Sa trailer ng “Once Again”, may nakitang malaking improvement sa acting ni Aljur. Abrenica  Malaki siguro ang naitulong ng paggawa niya lately ng indie film para ma-hone ang acting skills niya.

Anyway, bukod kay Janine, kasama rin ni Aljur sa “Once Again” sina Jeric Gonzalez, Joko Diaz, Timmy Cruz, Sheryl Cruz, at marami pang iba.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

2 thoughts on “Aljur Abrenica, nabigyan ng bagong chance sa “Once Again”

    • Oo nga dapat si yaya Kathryn..banong bano umarte at infairness muka na exorcist sa pic nia sa FP banong bano

Leave a Reply

Your email address will not be published.