Aljur Abrenica, naaksidente! – Lolit Solis

ITO NAMANG SI Aljur Abrenica, naaksidente pa sa huling taping ng All My Life kaya  nakasemento ngayon itong kanang kamay niya.

May fight scene daw itong si Aljur at medyo napalakas daw ang suntok nito at tumama sa pader.

Kaagad na isinugod ng hospital si Aljur dahil sobrang nasaktan ito sa pagsuntok niya.

May nalinsad palang buto at inoobserbahan pa ngayon kung kailangan ba siyang operahan.

Pero mga ilang linggo raw itong naka-cast ang kanang kamay niya kaya ito namang ka-loveteam niyang si Kris Bernal ay super-alalay sa kanya.

Kinakantiyawan nga sila dahil dati si Aljur ang laging umaalalay kay Kris, pero ngayon baligtad na dahil may injury nga itong young actor.

Kahit nakasemento ang kamay nito, tuloy pa rin sa trabaho si Aljur dahil kailangan ito sa promo ng pelikula nila ni Kris na Nandito Ako…Nagmamahal sa’Yo na magsu-showing na sa September 30.

Jennylyn Mercado at Mark Herras, may magic pa?

HALOS IISA ANG komento ng karamihang dumalo sa presscon ng bagong telebabad nina Mark Herras at Jennylyn Mercado na Ikaw Sana nu’ng nakaraang Lunes; may magic pa rin ang loveteam nilang dalawa.

Malalaman natin iyan kapag magsimula na itong Ikaw Sana sa September 21 na ipapalit sa timeslot ng magtatapos nang All My Life.

Nandiyan naman ang kilig factor sa kanila dahil sinasabi na naman ngayon ni Jennylyn na nandiyan pa rin si Mark sa puso niya.

Kahit sabihin pang obvious na para sa publicity ng bago nilang programa, naramdaman mo namang totoo ang mga sinasabi nila.

Eh, ito palang si Mark dumadalaw pa rin hanggang ngayon sa bahay nina Jennylyn.

Hindi naman daw si Jennylyn lang ang sadya niya doon kundi si Mommy Lydia na botong-boto pa rin sa kanya at sa inaanak niyang si Alex Jazz.

May isang reporter ngang nagtanong kay Jennylyn na kung sakaling magkaroon ito ng panibagong karelasyon, ito na lang ba ang ipapakilala niyang ama sa anak niya? “Oo” naman ang sagot ng young actress dahil pagdating kay Patrick Garcia, ayaw niya talagang pag-usapan pa.

Wala pa raw sa isip niya kung ano ang gagawin nito pag dumating ang araw na makita na ni Patrick ang anak nila.

Sabi pa niya, “In God’s time” daw bahala na kung makikita pa ni Patrick ang anak niya.

Pero halimbawang magkabalikan sila ni Mark, okay lang ba sa kanya na ito na lang ang kilalaning ama ng anak niya? Posible naman daw iyun.

Nang kinunan ng reaksyon si Mark tungkol diyan, okay rin daw sa kanya. Puwede naman daw siyang ma-in love muli kay Jennylyn pero ayaw naman daw niyang pilitin.

Ang sabi pa nito, kung sakaling magkaroon daw siya ng relasyon, sana ito na raw ang huli at malay natin baka nga si Jennylyn na iyun.

Napamahal naman daw sa kanya si Alex Jazz kaya kung sakaling magkabalikan sila ni Jennylyn, puwede raw siyang tumayong ama sa inaanak nito.

I’m sure ang Mommy Lydia ni Jennylyn ang pinakatuwang-tuwa diyan pati na rin ang pamilya ni Mark dahil silang dalawa pa rin talaga ang gusto ng kani-kanilang pamilya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Aljur Abrenica, naaksidente! – Lolit Solis

  1. aksidente naman ngayon ha?!!!

    nung cosmo bash mang-epal ang drama nito para talbugan si gerald anderson…

    ngayon namang may aksidente si coco martin sa shooting ng tayong dalawa….meron din sya ha!

    aysus epal talaga!

  2. masyadong trying hard kasi si aljur. akala niya super hunk siya pero ng patabihin mo kay gerald anderson, ni wala sa kalingkingan, sa height, sa built at personality. dinala pa ang trying hard na girlfriend. tama nga, they deserve each other.

    • tama ka jan… feeling talaga si Aljur… trying hard naman, kala mo sikat,,, ngayon ko nga lang nakita itsura nyan eh… mukha palang tarsier

Leave a Reply

Your email address will not be published.