Aljur Abrenica, mum on molestation issue

GABI NG LUNES ko lang nalaman sa aming Pinoy Parazzi editor ang balitang nagsampa nga raw ng kasong Acts of Lasciviousness ang 15-year old na promo girl na si Michelle Saludo laban sa young actor na si Aljur Abrenica.

Kaagad na ipinarating ko ito sa consultant ni Aljur at nagulat din siya dahil ang pagkakaalam niya, wala talagang kinalaman ang young actor dito kay Michelle.

Tinawagan nito si Aljur at wala raw siyang kamalay-malay sa naturang demanda. Wala naman daw siyang ginawang masama kay Michelle.

As of presstime, wala pang natatanggap na notice o subpoena si Aljur kaya pinayuhan itong huwag munang magsalita.

Gabi na kasi nang nakarating sa kanila ang balita kaya hindi na nila ito makumpirma sa NBI.

Magmula nang lumabas itong isyung kinasangkutan nina Aljur at Michelle, tahimik lang ang huli. Walang kamalay-malay ang lahat na may balak pala itong magdemanda laban sa young actor.

Hindi yata magandang timing ito sa gumagandang career ni Aljur lalo na’t hit na hit ang sinenobela nila ni Kris Bernal na Dapat Ka Bang mahalin.

Ngayong araw na raw ang last taping nila ng Dapat Ka Bang Mahalin, at kaagad na susundan ito ng bagong programang pagtatambalan pa rin ng dalawa.

Pang-Telebabad sa primetime na ang susunod na gagawin nina Aljur at Kris, na may titulong All My Life. Inaasahang maghi-hit din ito gaya ng Dapat Ka Bang Mahalin. Kaya maingat ang GMA 7 sa mga ganitong isyu at baka makasisira pa ito sa loveteam ng dalawa.

Sana mapag-usapan nang maayos ito dahil sayang din naman ang gumagandang career ni Aljur.

HINDI NA NGA sinipot ni Katrina Halili ang premiere night ng pelikula niyang Dalaw nu’ng nakaraang Lunes sa SM Megamall Cinema 10 na produced ng Pixel8 Entertainment Productions.

Ngayong araw na ang showing ng pelikulang ito at susuportahan naman daw ito ng mga fans ni Katrina.

Isa sa namataan namin sa naturang premiere night ay si Carlo Maceda na mukhang pursigido na sa pagpu-produce at ayaw na nitong mag-artista.

Okay lang daw siyang mag-artista sa mga pelikulang pinu-prodyus niya pero mas concentrated siya sa mga malalaking pelikulang ginagawa niya.

Kinumpirma na rin sa amin doon ni Carlo na mag-iisang taon na pala silang hiwalay ni Aleck Bovick. Hindi na nito dinetalye ang dahilan ng hiwalayan pero sinagot naman niya ang tanong namin kung totoong isa sa mga dahilan ay ang pagkakaroon ng relasyon ni Aleck sa isang tomboy.

Kinumpronta daw niya si Aleck tungkol dito at itinatanggi naman daw ng dating sexy star. Matalik na kaibigan lang daw niya ito at hindi na nga raw sila ganu’n ka-close ngayon.

Maayos naman daw ang kanilang paghihiwalay at magkaibigan naman daw sila ngayon para sa kanilang nag-iisang anak.

Hindi naman daw nagkulang si Carlo sa pagbigay ng sustento para sa bata at minsan ay tinutulungan naman daw niya si Aleck lalo na’t may sakit daw ngayon ang ama nito.

loading...

4 thoughts on “Aljur Abrenica, mum on molestation issue

  1. haller! nasa puerto galera sila dba? alangan namang mag pajama c michelle dun! tanga ba kau ha? mga bumbilya!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! hirap sa inyo, favorite game niyo ang tanga tangahan!!!

  2. We support Aljur and Kris!
    I’m sure demolition job eto against Aljur at ang may pakana na naman ay ang Chan. 2. Diba lumabas na before ung girl na kesyo nag-date daw sila dati kaso walang pumansin eh ngayon na super hit ang dramarama nila ni Kris Bernal, threaten and Chan. 2. Sila lang naman mahilig gumawa ng demolition job against Kapuso talents.

  3. tama aka jomar! ang layo ng mukha ni aljur dba? tsaka wla ng paptol dyan..exagg masyado ung girl eh dun sa mga pix nia the way she dress as in nka 2piece pa cya pero keber nya kung nkabukaka ba cya or wat..if ever my ngawa c aljur sa knya..mlmng cya ang una..nkipgflirt cya!un lng un..lalaki lng c aljur..babae ako at dumaan din ako sa stage ng pkikipgflirt..but i know were would i stand..limit your aggressiveness, bec. when maturity is unto you, you will realized, how cheap are you..

  4. kasinungalingan naman ung litrato dyan hindi kumpleto mukha ni aljur!
    kaya naniniwala na kn demolition job to para di matuloi paangat ng career ni aljur.
    ung parang kei marian dn dti sinisiraan siya but walang nangyari nasa taas si marian ngayun!
    ung mga nanghuhusga dto wg naman kayu ganyan
    i think kapamilya kayu but kng sa kapamilya talent nangyari yan at di rin kumpleto ung mukha sigurado kong ganito ring klase ank kokoment nio tlad n kinokoment ko ngaun!

Leave a Reply

Your email address will not be published.