Aljur Abrenica, may bagong kinawiwilihan

1 Aljur-AbrenicaMASUSING PAGHAHANDA raw ang ginagawa ni Aljur Abrenica para sa new soap niya sa GMA 7, ang Kambal Sirena, kung saan makakapareha niya for the first time si Louise Delos Reyes.

Kuwento nga ni Aljur, “Right now marami akong ginagawa para mas mapaganda pa ‘yung katawan ko, nagwo-workout ako, diet, nagti training ako ng Muay Thai. Pero may bago akong sports, ang Martial Arts at nag-Jujitshu na rin ako, pero kaka-start ko lang.

“Kaliangan kasi in good shape ako ‘pag nagsimula na kami ng taping. Gusto ko kasi, lagi akong handa everytime na magkakaroon ako ng soap especially now na marami kaming eksena na nasa dagat. Kailangan na naka-topless, so gusto ko, maganda ang katawan, para naman hindi mapulaan. At the same time, gusto ko talagang matutong mag-martial arts at mag-Jujitshu. Para na rin siguro sa health ko, para healthy. Tsaka magagamit ko talaga sa role ko sa Kambal Sirena. Kasi ang role ko rito may-ari kami ng mala-Ocean Park. Sabihin natin na mas marami ang time na nasa tubig ako, kaya need ko talaga na maganda ang katawan ko.”

May plan ka rin bang mag-compete sa local and abroad for martial arts and Jujitshu?

“Hindi naman, ginagawa ko siya kasi gusto ko lang siyang gawin. Nag-e-enjoy akong gawin siya. Katulad ng sinabi ko, malaki ang maitutulong nito sa role ko, bukod pa sa health ko na rin. Pero let see, hindi ko rin naman alam, if siguro expert na ako rito, baka nga puwede nang mag-compete ako,  para sa show talaga and sa health ko na rin ang ginagawa ko, not to compete. Bukod sa nagsisimula pa lang naman ako, marami pa akong dapat matutunan at pag aralan. And I’m willing to learn, kasi gusto ko talaga ito,” pagtatapos ni Aljur.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Aljur Abrenica, may bagong kinawiwilihan

Leave a Reply

Your email address will not be published.