Aljur Abrenica at Louise delos Reyes, nag-check-in sa isang resort?

Aljur-Abrenica-Louise-delos-ReyesTINAWANAN LANG nina Aljur Abrenica at Louise delos Reyes ang balitang nakita silang nag-check-in sa isang resort. At ito rin raw ang naging dahilan kaya nag-break ang sina Louise at Enzo Pineda na wala namang kinumpirma kung totoo ngang break na sila ni Louise.

Ayon sa kampo nina Aljur at Louise, walang katotohanan na nag-check-in ang dalawa. Sa naturang lugar daw (Subic) madalas ginagawa ang taping ng kanilang fantaserye na Kambal Serena.

Inimbita raw nina Aljur at Louise ang mga kasama nilang licensed diver para mag-bonding sa nasabing resort.

Matapos turuan sina Aljur at Louise ng tamang paglangoy at pagsisid sa ilalim ng dagat at maging bihasa na rin sa paglangoy ay binigyan na rin sila ng lisensiya bilang diver.

Ayon pa sa kampo ng dalawa, hindi naman daw tanga ang dalawa kung sa Subic pa raw sila magtsi-check-in na para bang walang ibang tao na makakakita sa milagrong ginawa raw nila.

Hindi naman kaya super inggit or gusto lang maging controversial na reporter ng taong nagkalat na may milagrong ginawa sina Aljur at Louise sa isang resort?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.