Aljur Abrenica, kinatagpo si Rich Asuncion sa Bohol?

SA PAGKAWALA NI Ruby Rose Jimenez ay siya namang pagdating ng pinakaaasam-asam na supling ng kapatid nitong si Rochelle Barrameda.

Masayang ibinalita ng nagdadalamhati pa ring kapatid ng pinaslang na si RR (for purposes of brevity) na ayon sa pagsusuri ng kanyang OB-Gyne ay dalawang linggo na siyang nagdadalang-tao by her husband Jimwell Stevens.

Itinuturing ni Rochelle na regalo ni RR ang nasa kanyang sinapupunan that while she may have lost a sister ay nag-iwan ito ng alaala. Here’s hoping na sa gitna ng laban na inumpisahan ni Rochelle laban sa pamilya Jimenez  ay maluwalhati niyang maisilang ang sanggol seven months from now.

REACTION TO REACTION. Ito ang nangyari sa in-house manager ng GMA Artist Center (also director/creative consultant) na si Tatay Rommel (Gacho) kung tawagin ng ilan sa mga alaga niyang produkto ng Starstruck.

Tinawagan kasi ng isang network executive ang atensyon ni Rommel bunsod ng isang blind item na  halatang ang tinutukoy ay si Rich Asuncion. Unbeknownst even to her Bohol-based family, lumipad pala si Rich sa naturang lalawigan nang walang pasabi. At ang pakay ng kanyang pag-alis: ang katagpuin si Aljur Abrenica nang wala ring kaalam-alam ang real-life sweetheart nitong si Kris Bernal.

Nang makarating ang impormasyon kay Rommel (Rich’s manager) ay agad nitong tinawagan ang aktres. Humigit-kumulang, ito ang kanilang conversation:

Rommel: Rich, nasa’n ka nu’ng Monday?

Rich: (halata pang nangangapa ng isasagot) Nu’ng Monday po?

Rommel:  Oo, nu’ng Monday.

Rich: Ahhh, nasa bahay lang po.

Rommel:Hindi ka nagpunta sa Bohol?

Rich: Bohol? Ahh, hindi po.

Rommel: (pabiro pero inis na) Oy, ‘wag kang magsisinungaling! Nasa Bohol ka nu’ng Monday!

(long silence ensued on the phone)

Rich:Ah, eh, sorry po.

Bingo. Ayon sa mga nakasaksi, in full disguise ang hitad when she arrived at the airport: nakausot siya ng pagkalaki-laking shades that made her look like a giant bangaw, with matching baseball cap to conceal her identity.

NAKU MAMA ALEX  d’ Great, kasing great din ang consistent ratings ng Talentadong Pinoy on TV 5 tuwing Sabado. Kinakabog lang naman ng Ryan Agoncillo-hosted show na ito ang mga kasabay nito sa ibang mga channel, no!

Magtataka ka pa ba, eh, here’s one avenue for Pinoys out there with various talents waiting to be tapped.

With this, haping-happy ang TV 5 management sa patuloy na pag-arangkada ng Talentadong Pinoy. Kung paano raw kasing bonggang-bongga ang marriage ni Ryan, eh, siya ring OA ang boosting sa career nito. In effect daw kasi, pinakasalan din ni Ryan ang loyal audience nito.

Binabati ko ng maligayang kaarawan si Cristy Fermin ngayong araw. Cris, ang panalangin ko ay hindi na para sa iyo kundi kay nanay na patuloy mo pang makasama sa mga susunod mong bertdey. Lav U, Cris, mula sa amin ng nanay ko.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

8 thoughts on “Aljur Abrenica, kinatagpo si Rich Asuncion sa Bohol?

  1. wag nga kayong plastikan jan? haller! ganyan talaga sa showbiz. mga sinungaling at plastik! buti kung lock n lock! sosyal! kakaloka kayo..

    kung sinu ang mahal ni aljur wag nyo ng pakialaman!

  2. mas gusto namin si aljur at si rich..bagay sila..sana bigyan sila ng chance maging love team…calling GMA….

    • Calling ka dyan! Wish mo lang mabigyan ng project na si Rich yung bida sa GMA. Hanggang pang extra lang siya no!

      • ulul!!! mas mganda naman at sexy si rich compare kay kris bernal.. i saw them both sa enchanted kingdome.. si kris na walang korte ang katawan pati walang pwet hahaha

    • BKIT NAGPUNTA SI RICH SA SHOOTING NILA ALJUR AT KRIS SA BOHOL?
      A. Natatakot masulutan ang Boyfriend niya.
      B. Nagpapapansin!
      C. Naghahabol sa Boyfriend!
      D. ALL OF THE ABOVE

      IF YOUR ANSWER IS LETTER D YOUR CORRECT!!

    • D hamak naman mas maganda c Kris dyan height lang lamang!. Ang lakas ng loob nyang pumunta sa bohol bka ininvite ni Aljur! Talaga 2ng c Aljur d maintindihan. Deny ng deny pero c Rich pala talaga ang GF! Hwag na ngang magpretend!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.