Aljur Abrenica, kinakalasan na ni Kylie Padilla?

Aljur-Abrenica-Kylie-PadillaLUMALAKI ANG isyu nina Aljur Abrenica at Louise delos Reyes, pagkatapos makipag-break nitong huli kay Enzo Pineda.

Sa Linggo ay magsasalita si Enzo tungkol sa break-up nila at kung ano talaga ang kinalaman ni Aljur sa pakikipag-break ni Louise.

Damay na rin kasi si Kylie Padilla, dahil ang latest nagkakalabuan na rin sina Kylie at Aljur.

Nasa Australia pa kasi si Kylie at nagbabakasyon doon pero may mga post daw siya sa Instagram account niya na mukhang nakikipagkalas na ito kay Aljur.

Kaya lang, tinanggal din niya ang post na ‘yun dahil marami na ang naintriga.

Pero ang napansin ng lahat, hindi na pala pina-follow ni Kylie si Aljur. Kaya nangangamoy break-up na talaga sila.

Hay, naku! Ang ganda-ganda ni Louise, ‘di ba?

Tingnan na lang natin kung ano ang sasabihin ni Enzo tungkol dito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.