Aljur Abrenica, isa sa mga dahilan kung bakit ayaw nang tapusin ni Robin Padilla ang pelikula

Aljur-AbrenicaNITONG SABADO, January 25  ang birthday ni Kylie Padilla. Siyempre pa, kahit busy sa trabaho, nag-effort pa rin ang boyfriend ng aktres na si Aljur Abrenica na kahit in his own little way ay sorpresahin ito.

“Nagluto ako ng pasta sa bahay,” kuwento nga ng Kapuso hunk actor. “Kumain kami. Busy kasi, eh. May kanya-kanya kaming schedule. Basta nagkaroon kami ng konting salu-salo. Na ako ang nagluto. Iyon talaga ang gusto ko, eh. Alam namin kasi na ‘yong araw na iyon, sobrang busy. So, ayon, nagluto ako.”

Hindi nakarating si Aljur sa presscon kamakailan ng bagong pelikula ni Robin Padilla na Sa Ngalan Ng Ama, Ina, At Mga Anak. Siya lang ang wala sa cast nito kung saan kabilang din halos lahat ng mga artistang kaanak ng action star.

Hindi raw siya nasabihan tungkol sa nabanggit na presscon. Wala umano siyang natanggap na imbitasyon.

Sa nasabing press conference, pabirong nasabi ni Robin na isa raw si Aljur sa dahilan kung bakit dumating sa point na parang ayaw na nitong ituloy ang shooting ng nabanggit na movie.

May mga aberyang nangyari ba na siya ang naging dahilan?

“Kasi ano, eh… nagkasalu-salubong ang mga schedules namin. Dumating sa punto na ilang araw kaming… basta! Three shooting days lang ako. Pero natapos ko naman lahat ng mga eksena ko.”

Sa ngayon, wala nang pagkonta na naririnig mula kay Robin kung ang pag-uusapan ay ang relasyon nina Aljur at anak nitong si Kylie. Tila may basbas na nga ng action star ang pagmamahalan ng dalawa.

“That’s good!” nangiting maikling reaksiyon na lang ni Aljur. May napabalita recently na parang gusto yata ni Robin na hikayatin siya na magpa-convert bilang Muslim. Paano kaya kung totoo ito?

“Kasi, a… religion ‘yan, eh. Mahirap kasing pag-usapan ‘yan. May kanya-kanya tayong pamilya. Na may kanya-kanyang relihiyon at paniniwala. Alam n’yo ‘yan. ‘Di ba? Kumbaga, kung saan ka mas mapabubuti, doon ka.”

Maayos ang takbo ng relationship nila ni Kylie ngayon. Parang wala na silang anumang nagiging problema.

“Basta we’re happy. Okey na okey kami.” Si Aljur ang leading man ni Louise sa bagong fantasy series ng GMA 7 na Kambal Sirena. Nagsimula na ang taping nito pero wala pa raw nakukunang eksena na makasama sila.

“Pero nakailang sessions na kami ng workshops. And okey naman. Magaling! Nakae-excite siyang makatrabaho. Sobrang excited ako na makasama si Louise. Ito ang first time na makakatrabaho ko siya sa isang teleserye.”

Excited rin daw siya sa kanyang character na gagampanan. Isang naiibang papel na naman daw ito for him.

“Malayo siya sa role na ginampanan ko sa Prinsesa Ng Buhay ko. Kasi itiong character ko rito, binubuo pa lang siya, eh. Pero habang binubuo pa lang siya, eh…  tinitiyak ko na isang kakaibang role na naman ito para sa akin na malayung-malayo sa mga dati ko nang nai-portray.”

Medyo daring o sexy bang masasabi ang bagong role niyang ito?

“Yes!” sabay ngiti ng aktor. “Na kailangang makita ‘yong parang… beach body. Talagang pinaghandaan ko. There is so much to be excited for sa aking role. Kasi ‘yong character mismo, may pagka-misteryoso, eh. Exciting talaga kasi ito ‘yong… hindi n’yo pa nakikita.” May mga eksena rin ba siyang lalangoy sa dagat?

“Ang sabi po sa akin… definitely magkakaroon ako ng mga under water scene. Na nakahubad ako. Basta exciting ‘yong role. Kakaiba talaga,” sabi pa ni Aljur.

Rubbing Elbows

by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Aljur Abrenica, isa sa mga dahilan kung bakit ayaw nang tapusin ni Robin Padilla ang pelikula

  1. aarte na naman ang taong kahoy hahahahahaha! dapat dito kay aljur isailalim sa mahabang acting workshop para hindi naman acting kahoy hahahahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.