Aljur Abrenica, ipit sa pagitan ng lovelife at career?!

HINDI TALAGA madali ang sitwasyon ngayon ni Aljur Abrenica kung ang pag-uusapan ay tungkol sa urong-sulong na pakikipaglapit niya kay Kylie Padilla. Talagang para siyang kinakaliskisan ni Robin Padilla sa mga matitigas na salita ng Action Superstar. Na kung maganda ang intensiyon ni Aljur sa kanyang anak, dapat na magpakalalaki sa kanyang paninindigan ang guwapong aktor. Nakapi-pressure ito, dahil muli na namang ibinalik ng GMA-7 ang tambalan nila ni Kris Bernal.

Magkasama kasi ulit ngayon sina Aljur at Kris sa teleseryeng Coffee Prince na muling pinag-iinit ang kilig ng kanilang tambalan para sa kanilang mga tagaha-nga. Kung career ang tututukan, panalong mas dapat alagaan ni Aljur ang loveteam nila ni Kris, dahil sila naman ‘yung naunang pinagtambal at nagustuhan na rin ng masa. Kung puso ang paiiralin, dapat nga niyang panindigan ang pagmamahal niya kay Kylie, dahil iyon ang inaasahan sa kanya ni Binoe.

Hindi pa matatag ang kasikatan nga-yon ni Aljur sa showbiz bilang aktor. Hina-hangaan at tinitingnan pa lang siya bilang guwapong aktor na may magandang katawan. Kailangan pa nilang magtulungan ni Kris, para lalo pa silang sumikat. Kung nariyan ang loveteam nila ni Kris at patuloy siyang mali-link kay Kylie, baka sumablay na malaglag ang career ni Aljur. Tama lang na nananahimik at nag-iisip muna ang brother ni Vin Abrenica sa kanyang mga desisyon ngayon.

 

HANGGANG NGAYON, sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay pa rin naman ang higit na nakaaalam ng tunay na istorya ng kanilang hiwalayan. Kaya nganga na lang minsan ang ibang taga-showbiz kapag nagmamaasim si Angelica sa kanyang mga salita na para bang mayroon siyang pinatatamaan, na siyempe pa’y walang ibang puwedeng isipin ang mga nakaririnig, kundi si Derek ang kanyang pinatutungkulan.

Nakaaaliw ‘yung ginawang pagbati ni Derek ng happy birthday kay Angelica, na dinaan pa niya sa Twitter. Kasi nga, kahit nagkahiwalay sila at si John Lloyd Cruz na ang karelasyon ngayon ng magandang aktres, hindi naman siguro kasalanan na sa importanteng okasyon ng babaeng minahal niya nang halos anim na taon ay batiin naman niya ito. Wala naman kasi siyang masamang intensiyon sa bagong kaligayahan ngayon ni Angelica.

Pero pinag-uusapan na talaga ngayon, na si Derek ‘yung diumano’y parang nagkulang kung bakit humantong sila ni Angelica sa hiwalayan. Kung si Derek nga ‘yung unang napaugnay sa ibang babae habang magkarelasyon pa sila ni Angelica, hindi na iyon nakapagtataka. Ang dami kasing mga kaibigan ni Derek na magagandang babae, na mas magaganda pa talaga kay Angelica. Hindi rin naman bato ang isang lalaki kung mga babae na ang lumalapit at nagpapakita ng motibo. Sa mga panahong ito, ang bilis manalo ng pagkalimot sa tukso. Sa totoo lang, huh?

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.