Aljur Abrenica, ipinagpalit ang event ng GMA-7 para kay Boy Abunda?!

INAMIN NI AI-AI de las Alas na mapapadalas ang kissing scene nila ni Aga Muhlach sa bago nilang TV series na M3. Ayon kay Ai, may pahintulot naman daw kay Charlene Gonzales. “Actually alam na niya at siyempre ako ang enjoy to death dito, dahil ang guwapo yata ni Aga (Muhlach), ‘no?!” Tumatawang panimula ni Ai Ai nang huli namin siyang makausap.

Samantala, nag-aaral sa ngayon si Ai-Ai at kumukuha siya ng kursong Diploma in Public Management. “Hindi naman paghahanda ito para sa posisyong ibibigay sa akin (ng Aquino administration), gusto ko lang talagang mag-aral para sa pansarili kong kagustuhan.”

Deadma lang din si Ai-Ai sa balitang mas mataas na ngayon ang talent fee ni Eugene Domingo kumpara sa kanya. “Okey lang ‘yun, mas masaya, ‘di ba? Mas maraming datung!”

Sinabi pa ni Ai-Ai na super happy siya ngayon, at least daw dati ang mga komedyanteng lalaki lang daw ang nabibigyan ng mga solo movie. “Kasi noon, ang dami-daming magagaling na comedy actress, pero puro lalaki lang ang nagbibida. At least ngayon, kami nina Uge, nabibigyan na ng break, ‘di ba?”

MUNTIK NANG MAGKITA kita sina Pops Fernandez, Ara Mina at Jomari Yllana sa nakaraang Guillermo Mendoza Memorial Foundation Awards Night. Biro nga ni Jom, masaya raw siya dahil kahit hindi niya nakita si Pops noong gabing iyon, nakaisa naman siya dahil nasulyapan niya si Ara.

“Wala, wala akong mako-comment,” tumatawang panimula iyon ni Pops sa Pinoy Parazzi.

Sinabi pa ni Pops na kung matutuloy ang project na muli silang magkakasama ni Martin Nievera sa isang concert, magiging masaya raw siya. “Tignan mo nga ang nangyari, kahit marami ang mga nangyari nu’n sa aming concert, nagka-award kami (Best Concert Singer of the Year).

MARAMI ANG NAGTATA-NONG sa amin kung totoo bang si Kuya Boy Abunda ang dahilan nang biglang pag-alis ni Aljur Abrenica sa special event ng GMA noon sa Araneta?

Wala kaming maibigay na komento dahil hindi pa namin personal na nakakausap si Kuya Boy at si Aljur naman, hindi na namin tinanong pa dahil alam naman naming ‘denial prince’ siya.

Well, kung totoong mas inuna ni Aljur na makipag-date kay Kuya Boy kesa tapusin ang kanyang commitment sa concert ng GMA, inggit kami to death kay Kuya Boy, dahil ang haba-haba ng buhok niya!

BUKOD SA DIZ Iz It, ang programa ni Claudine Barretto ang maagang tsutsugihin ng Siyete at ang dahilan ay ang mababang rating ng dalawang programa.

Nu’ng una ay nagdadalawang-isip ang Siyete kung tsutsugihin nila ang Claudine dahil nahihiya ang mga ito sa aktres, bagay na hindi naman dapat. Dahil knowing Claudine na maging totoo ka lang sa kanya, mauunawaan ka niya.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

8 thoughts on “Aljur Abrenica, ipinagpalit ang event ng GMA-7 para kay Boy Abunda?!

  1. ei kung hindi siya nag paalam sa GMA 7 sa pag alis niya e di sana nag bigay na ng ukol na suspensyon ang gma kay aljur diba? comonsense lang mga kapatid.. hindi naman siya basta basta aalisin ng walang paalam, daming malisyoso..

  2. kawawa naman si aljur ang dmaing naninira sa kanya nakaka awa ang bata… puro nega ang tingin sa kanya. well wag ka mag alala kung sinisiraan ka nila im sure mas maganda ang ibabalik sayo ni god…

    sana mag pa handle ka nalang kay biy abunda,

    di maganda mag alaga ang artist center at gma

  3. di ba pinaliwanag na ni aljur na pumunta sya ng batangas dahil anniversary ata ng bar ng kanyang ama? at sinabai nya sa gma management na hanggang 9 lang sya sa araneta. ang kaso eh 9 na nagsimula ang show lol

Leave a Reply

Your email address will not be published.