Aljur Abrenica, iniinda ang epekto ng break-up nila ni Kylie Padilla

Aljur-Abrenica-Kylie-PadillaILANG LINGGO na naming tinitiyempuhan na mahiritan si Aljur Abrenica kahit short interview lang. Pero talagang mailap ang aktor.

Ayon nga sa mga taong close sa kanya, lately ay lagi raw wala sa mood ang binata. Kahit hindi raw nito gustong maapektuhan ng maintriga at magulong situwasyon na idinulot ng break-up nila ni Kylie Padilla, iniinda nga raw ni Aljur ito.

May mga pagkakataon daw na nagiging mainitin ang ulo nito. Isa raw marahil ito sa dahilan kung bakit umiiwas si Aljur sa press people. Lalo pa at nagkakaroon na rin ng isyu sa pagitan nila ni Robin Padilla na ama ni Kylie.

Kung sa bagay, habang hindi humuhupa ang tensiyon at mainit pa ang situwasyon, wala naman ngang choice si Aljur kundi ang manahimik at magpalamig muna.

Less talk, less mistake kumbaga.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.