Aljur Abrenica, in love na naman?

Aljur-AbrenicaIN LOVE na naman ba si Aljur Abrenica? Ito kasi ang unang pumapasok sa isip ng marami kapag napapansin na laging masigla ang mood niya. Matagal nang napapabalitang nagkabalikan na sila ng ex-girfriend niyang si Kylie Padilla. Pero walang kumpirmasyon mula mjismo sa kanilang dalawa.

Kahit inilalambing ni Aljur na huwag siyang usisain sa personal niya, isang tanong ang iginiit namin… kung ano ba ang status ng lovelife niya sa ngayon.

‘Makulay!” sabay ngiti niya. “Naglalakbay.”

Sakaling hindi na zero ang lagay ng kanyang lovelife, gugustuhin ba niya itong ilihim na talaga?

“Hindi! Hindi naman. Siyempre hindi maitatago ‘yon. Pero gusto kong sabihan niya ako sa pag-agos ng tungkol sa gano’ng bagay,” ng kanyang karelasyon ang ibig niyang sabihin.

Ano ang nasa likod ng happiness na laging nakamarka sa mukha niya ngayon?

“Para sa akin ‘yong personal na matter na ‘yan, sa akin na lang. Mas mabutiong pangalagaan ko na lang ang privacy ko. Wala namang dahilan para hindi ako maging masaya sa buhay ko ngayon. Lagi kong kasama ang aking family at mga kaibigan. Nag-iba ako ng direction e,” sunod niyang pahayag.

“At happy naman ako ngayon. May mga pelikula akong ginagawa. ‘Yong isa, kasama ko si Rocco Nacino. Ito ‘yong Mabalasik. Si Ato Bautista ang direktor namin. Tapos ang producer naman, ay si Jason Marpalas.

“Bukod dito, may iba pa akong uumpisahang pelikula. Napakagaganda ng mga projects na ito at excited na akong ma-finalized ang mga ito. Na mapagkasunduan na lahat ng dapat mapagkasunduan. Para magawa ko na. May mga detalye nang sinabi sa akin tungkol sa mga pelikulang ito. Pero hindi pa puwedeng pag-usapan.

“Meron din akong bagong album na ngayon. It’s a great album kasi it speaks everything about me, e. Though selected by the company (MCA Records) ‘yong mga kanta, medyo naka-relate ako do’n sa mga kanta. Tapos ang maganda pa rito sa album na ito, ‘yong isa ay kinompose ng tatay ko. Ang title… Bakit Gano’n? Meron ding akong sarili kong composition. I Surrender naman ang title.”

Ang pamagat ng kanyang new album… “Aljur Abrenica, Mahal Pa Rin Kita.”

Patungkol ba ito kay Kylie Padilla? “Marami itong pinatutungkulan. Oo.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleKiko Estrada, gaya ng amang si Gary Estrada pagdating sa pag-ibig?
Next articleEjay Falcon, pinangatawanan na ang pagpapa-sexy sa TV

No posts to display