ALJUR ABRENICA, HINDI TAKOT KAY ROBIN PADILLA!

BUKOD SA PAG-AASIKASO sa asawang si Ryan Agoncillo, pag-aalaga sa anak nilang si Baby Lucho at pagtingin sa kanilang tahanan, balita namin na kahit madalas na nasa bahay lang sa ngayon si Judy Ann Santos, abala rin daw ito sa pagpi-Pilates at yoga.

May personal instructor daw na pumupunta sa bahay nina Juday halos araw-araw para turuan ito. Ito si-guro ang ginagawang preparasyon ng maga-ling na aktres para tuluyang pumayat pagkatapos manganak, October of last year, para sa kanyang pagbabalik sa TV at pelikula.

AMININ MAN NILA o hindi, mukhang nanliligaw na talaga si Aljur Abrenica kay Kylie Padilla.  Bukod sa sighting sa dalawa sa Starbucks Tomas Morato, QC, with Kylie’s manager Betchay Vidanes, may mga nakakakita rin sa kanila na magkasabay na nagdyi-gym somewhere in Kyusi rin.

Pero we heard, pati raw ang ka-loveteam ng anak ni Robin Padilla na si Derrick Monasterio ay mukhang nagpaparamdam din sa dalaga. Kaya nga lang daw, mas bata ang baguhang aktor who is 15 years old kesa kay Kylie na kaka-18 lang nu’ng January 25. May nag-chika kasi sa amin na mas bet daw ni Kylie ang older guys. Ibig kayang sabihin ay mas may pag-asa si ‘Machete’ sa young actress?

Ang nagustuhan pa raw ni Kylie kay Aljur, bukod sa pagiging mabait at gentleman nito, hindi ito takot humarap kay Robin.

TULUY-TULOY PA RIN ang suwerte ng Who’s That Girl lead star na si Anne Curtis dahil kaliwa’t kanan ang kanyang endorsements at TV shows, aside from the fact na pati lovelife niya ay panalo rin.

Imagine, kakaumpisa pa lang ng teleserye nila ni Jericho Rosales na Green Rose sa ABS-CBN, magla-last three taping na raw ito, sabi ng aming source. At pagkatapos, may gagawin na raw ulit na panibagong serye si Anne. Bongga!

UGALIIN N’YO PA rin pong makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log onto www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter, too, at francissimeon. Maraming salamat po!


Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

3 thoughts on “ALJUR ABRENICA, HINDI TAKOT KAY ROBIN PADILLA!

  1. Pingback: Tweets that mention ALJUR ABRENICA, HINDI TAKOT KAY ROBIN PADILLA! | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

  2. hay nako,,ang babata pa ng mga anak ni robin na dapat alagaan nya ang mga babae nyang anak if so,,,yari sya!hehe,,baka ang karma sa mga nilokong girls nya nun e sa mga anak mapunta,,hehehe,,,ingat sila,,,alam mo naman,,mapa si ALJUR O DERIK man yan,,,still young pa mga yan,,it means enjoying,,pasttime,,playing,,is robin ready na masira o mapaglaruan ang mga anak nyang girls gaya ng ginagawa nya nun s amga girls??wahahahah,,,,hala ka robin!

Leave a Reply

Your email address will not be published.