Aljur Abrenica, hanggang pa-date-date lang, ayaw munang magka-girlfriend

Aljur-AbrenicaKAHIT WALANG lovelife, masaya naman daw ang personal na buhay ni Aljur Abrenica na katatapos lang mag-acting workshop kay Direk Laurice Guillen kasama ang ibang GMA Artist Center talents.

“Hindi lang naman girlfriend ang magpapasaya sa tao, ‘di ba? Maraming puwedeng magpasaya sa atin, maraming nagpapasya sa akin, kaya masaya ako,” sambit pa niya.

Eh, kumusta naman sila ni Kylie pagkatapos ng break-up?

“Well, ang ipinagpapasalamat ko sa nangyari sa amin is nanatili ‘yung friendship namin pagkatapos ng lahat. Magkaibigan pa rin kami. Pero hindi na kami lumalabas, hindi na umaabot sa ganu’n,” sagot ni Aljur.

Ano ba ang natututunan niya sa relasyon nila?

“Madali kasing makipagrelasyon, eh. Pero hindi mo rin dapat kalimutan ‘yung relasyon mo sa sarili mo. Hindi ko naman totally nakalimutan ‘yon, pero kung gaano katindi ‘yung pagmamahal mo sa ibang tao, dapat ganu’n din katindi ‘yung pagmamahal mo sa sarili mo.”

Inamin naman ng binata na meron siyang idini-date ngayon, pero hindi pa raw ulit siya maggi-girlfriend.

“Lumalabas lang kami, usap-usap. I don’t go to bars kasi. Cofffee shop lang. Araw ako lumalabas,” sey pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

One thought on “Aljur Abrenica, hanggang pa-date-date lang, ayaw munang magka-girlfriend

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.