Aljur Abrenica, gustong maging inspirasyon sa iba ang relasyon nila ni Kylie Padilla

Kylie-Padilla-Aljur-AbrenicaGUSTO NI Aljur Abrenica na maging inspirasyon sila ng girlfriend niyang si Kylie Padilla para sa ibang showbiz couples. Ito nga raw ang dahilan kung bakit open na sila ngayon tungkol sa kanilang relasyon.

“Pero hindi naman kasi kaagad-agad eh, magiging parang perfect na talaga kami as a couple, eh,” sabi ni Aljur. “Unti-unti ‘yon.”

Nauuso lately ang proposals sa mga showbiz couple. Sila kaya ni Kylie?

“Darating kami diyan. May tamang panahon ‘yan, eh. At kung kailan, walang makakapagsabi, eh.”

Si Kylie, hoping pa rin daw na darating ang pagkakataon na magiging magkapareha sila ni Aljur sa isang serye. Meron na nga raw sana dati pero hindi natuloy kaya at ikinadismaya umano ito ng aktres. Sa tingin ba niya, malabo pa rin ang posibilidad ng pagtatambal nila?

“Wala namang imposible, eh. Depende na lang ‘yon sa… ini-entrust na lang naming iyon sa management. Kasi sila ang mas nakakaalam. Nasa kanila ang desisyon. Pero looking forward ako. Willing ako.”

Pero kapag nagkapareha sila ni Kylie sa isang soap, hindi kaya maging daan ito para masalang na naman sa mga intriga ang tahimik na ngayong relasyon nila?

“Nobody can tell naman, eh,” nangiti lang ulit nasabi ng aktor. “Wala naman talagang makakapagsabi kung ano ang meron sa future, eh. ‘Di ba? Minsan nga, may mga pini-predict tayo pero mali pala. Diyos lang ang nakakaalam. Ako, kung anuman ang mangyari… basta diretso lang ako. Diretso lang kami. Na ‘yong pananampalataya namin, malalim. Tapos bilang tao, mas ini-improve pa namin ‘yong sarili namin. ‘Yong mga pagkakamali namin, itinatama namin. Sinisikap mong gawin ang lahat ng bagay nang tama. Kumbaga, you can never go wrong if you commit yourself to the Lord. Dahil ang pinaka-importante, maka-establish ka ng magandang relasyon sa Panginoon. At ang kailangan lang naman, i-surrender mo lahat kay Lord. And isinurender ko na sa Kanya lahat, eh.”

Magsisimula nang mag-taping si Aljur para sa bagong fantasy series ng GMA 7 na Kambal Sirena. Siya ang leading man dito ni Louise delos Reyes.

“Actually, bago ako sumabak sa taping, naka-schedule ako sa Subic for two days para mag-aral kung paano mag-train ng dolphins. At exciting for me ‘yong character ko bilang trainor ng dolphins. Kakaiba talaga kumpara sa mga roles na nagampanan ko dati. I’m just thankful sa GMA para sa opportunity na ito. Dahil mai-experience ko na lumangoy na kasama ang ilang sea creatures.”

Demanding ang nasabing role niya. Na kinakailangan pa niyang sumailalim sa diving lessons at pati nga sa pagti-training ng dolphins.

“Okey lang naman sa akin ‘yon. Mas nai-excite ako, eh. Kasi first time ‘to, eh. First time itong mangyari sa buhay ko na makihalubilo sa mga sea creatures. Na hindi lang sa mga dolphins. Meron pang ibang mga klase ng lamang-dagat na makakasama ko.”

Malamang ay may gawin din daw siyang pelikula with Alden Richards. Ito ay ang Cain at Abel.

“Pero hindi pa sure. Pinag-uusapan pa ang tungkol dito. Sana matuloy.”

Palapit na ang summer. May plans ba sila ni Kylie?

“May Kambal Sirena, eh. Doon ako naka-focus. At saka si Kylie, uuwi siya sa Australia.”

‘Yun na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Aljur Abrenica, gustong maging inspirasyon sa iba ang relasyon nila ni Kylie Padilla

  1. wala na bang ibang maisulat kay aljur kundi ang ‘love story’ nila ni kylie? kakasawa na, kung paanong nakakasawa na rin ang mga praise release sa kanya… anuber?

Leave a Reply

Your email address will not be published.