Aljur Abrenica at Geoff Eigenmann, muntik nang magsapakan?

Aljur-Abrenica-Geoff-EigenamnnNAKU! LUMALALA na pala itong isyung break-up nina Geoff Eigenmann at Carla Abellana, ha!

Ang sabi kasi ni Carla, may problema lang daw talaga sila ni Geoff pero maaayos din daw.

Pero ang duda ng karamihan, break na talaga sila dahil pumasok na sa kuwento sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Napanood n’yo ba ang Startalk namin nu’ng nakaraang Linggo? Eh, ‘di ba nagpa-interview si Aljur sa Startalk na halatang galit na galit siya kay Geoff.

May intriga kasing nilalandi raw ni Geoff si Kylie nu’ng magkasama pa sila sa Adarna. Siyempre nakarating ito kay Aljur kaya galit daw ito nu’ng nagkasalubong silang dalawa sa studio ng Sunday All Stars.

Marami ang nakakita na tinapik daw ni Aljur si Geoff na parang naghahamon ng away. Ang sabi pa nga muntik na raw nagkasapakan pero marami lang talagang guards na nakabantay.

Kaya nu’ng nagpa-interview si Aljur sa Startalk, doon niya ibinuhos ang galit niya. Hindi naman niya binanggit si Geoff pero halata kung sino ang tinutukoy niya. May sinasabi siyang “disrespect” na sana huwag naman daw gawin ito sa kapwa.

Siyempre, kinuha rin ng Startalk ang panig ni Geoff pero sinabi na lang ni Perry na huwag na nilang patulan pa. Mas mabuting tahimik na lang daw si Geoff para hindi na lumaki pa. Pati ‘yung napabalitang break na sila ni Carla, mabuting huwag na lang daw niyang sagutin pa para tahimik na rin.

Kaya lang si Carla naman, may pelikulang ginagawa, at nagsisimula na ang promo kaya malamang na magsasalita rin ito dahil ito lang naman ang kakalkalin sa kanya.

Wala naman dito si Kylie dahil nasa Australia pa siya. Kaya hindi rin mahingan ng pahayag sa intrigang ito.

Sana nga mag-ayos din sina Aljur at Geoff para hindi na sila mag-away-away dahil sa babae.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Aljur Abrenica at Geoff Eigenmann, muntik nang magsapakan?

  1. in fairness gwapo si aljur kaya lang di magaling umarte.. totoo bang lilipat na sa GMA si JM de Guzman? hahaha

  2. napakababaero naman nitong si geoff, di ba gf niya si carla abellana? tapos gustong pormahan si kylie na dyowa ni aljur tsk tsk… eh tama pala yung tatay ni carla dati na ayaw kay geoff?

Leave a Reply

Your email address will not be published.