Aljur Abrenica doesn’t want to be linked with Kylie Padilla anymore!

INIIWASAN NA NI Aljur Abrenica na pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Kylie Padilla.

Nang mag-guest ito sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado, sinabi na niyang ayaw na raw talaga niyang sumagot kung tungkol pa rin kay Kylie ang mga tanong.

“Nahihiya na talaga ako kay Kylie kasi magkaibigan lang talaga kami. May sarili na siyang show, meron din ako at hindi naman kami magkasama. Sana tama na po iyan,” pakiusap nito.

Ang dinig kasi namin hindi na raw nagustuhan ng pamilya ni Kylie ang patuloy na pagkaka-link kay Aljur.

Tahimik lang si Robin Padilla at ayaw na rin niyang mag-comment tungkol diyan dahil nasa tamang pag-iisip na rin naman daw ang anak niya. Alam na raw nito kung ano ang tama at mali.

Nandiyan lang daw siya para mag-guide sa mga anak niya.

Magsisimula na ang Blusang Itim ni Kylie at sina Frank Magalona at Carl Guevarra ang kasama niya rito kaya tiyak na iiwasan na rin nila ang tungkol kay Aljur.

NU’NG NAKARAANG LINGGO lang daw pala nakalabas ng hospital si Bea Alonzo kaya ngayon lang mari-resume ang taping ng Guns and Roses na pagsasamahan nila ni Robin Padilla.

Pansamantalang natigil ang taping nito kaya naging busy naman si Robin sa ibang activities niya at isa na nga rito ang Trust Bunong-Braso Challenge na dinadaluhan niya.

Isa lamang ito sa mga activities ng Trust condom na ini-endorse ni Robin, kung saan nag-iikot sila sa iba’t ibang lalawigan.

Kamakailan lang ay dinumog ng mga residente ng CAA BF International ang Saging Covered Court, Las Piñas, kung saan doon ginanap ang Trust Bunong-Baso Challenge.

Tuwang-tuwa ang mga tao nang duma-ting si Robin para magbigay ng mensahe at siya mismo ang isa sa nanood sa bunong-braso challenge na ‘yun.

Si Joross Gamboa ang nag-host kasama si Jaja ng SexBomb.

Tuluy-tuloy itong activity na ito ng Trust na gaganapin sa iba’t ibang lalawigan.

Magkakaroon sa May 14 sa Baguio, sa Valenzuela City naman sa May 28, June 11 sa Batangas, June 25 sa Cebu, July 2 sa Davao at sa Quezon City naman sa July 23.

Inaasahang muling dadagsa ang mga matipuno at matitikas na kalalakihan para sumali sa event na ito. Siyempre present din diyan ang idol nilang si Robin Padilla.

MARAMI ANG NAGULAT na malaki ang ipinagbago ni Rich Asuncion nang mag-pose ito para sa cover ng FHM.

Siya ang nasa cover ng May issue ng FHM at ang duda ng karamihan na-Photoshop daw ito dahil ang laki nang ipinuti nito.

Itinanggi iyan ng mga taga-FHM dahil kahit sila ay nagulat din daw dahil lalong kuminis si Rich at pumuti.

Ang duda ng iba, nag-glutathione ito, pero itinanggi ito ni Rich dahil takot daw siya sa injection kaya hindi siya puwedeng magpa-inject ng glutathione.

Pinaghandaan lang daw talaga niya ang pictorial na ‘yun para hindi naman siya mapahiya.

Natutuwa naman siya dahil maganda naman daw ang feedback at nagustuhan daw ng magulang niya na kontra sana sa pictorial na ‘yun.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

2 thoughts on “Aljur Abrenica doesn’t want to be linked with Kylie Padilla anymore!

  1. Hahaha paboritong anak yan ni Robin Padilla. kapag nagloko pa si Bad Boy pagkatapos nyang ipagmalaki na pinakasalan nya ang huling babae sa buhay nya na si Mariel Rodriguez, e tignan na lang natin kung totoo nga! Dahil kung nagloko siya uli, Ayan o, si KYLIE pambayad utang nya!!! Balita ko nga 4 ang babaeng anak ni Binoe ang daming pambayad utang di ba???

  2. nakakadiri naman pagmumukha ng babaeng to mukhang wala nang dugong dumadaloy sa ulo ang putla putla yuck….

Leave a Reply

Your email address will not be published.