Aljur Abrenica, ‘di aalis sa Siyete!

VERY HONEST ang isa sa GMAAC prime artist na si Aljur Abrenica na nagtampo siya sa GMA-7 nang medyo natagalan bago siya nabigyan muli ng proyekto after Coffee Prince na naging dahilan na kamuntik-muntikan ng paglisan sa kanyang home studio.

Pero okey na raw ang lahat dahil nakapag-usap nila sila ng GMA-7 at meron siyang show kasama ang kanyang ka-loveteam na si Kris Bernal, ang Prinsesa ng Masa, bukod pa sa participation nito sa Indio.

“I admit namang nagtampo ako kasi ang tagal nang wala, eh. Normal lang naman ‘yun. But GMA already talked to me and I’m happy now.

“Mahal ko naman talaga ang GMA so ayoko ring umalis dito. Meron daw new show for me and Kris Bernal, ‘Prinsesa ng Masa’, but sa July pa ‘yun.

“Meantime, papasok muna ako sa ‘Indio’ as Bagani, a warrior na tutulungan si Sen. Bong Revilla nang mawalan siya ng powers. I’ll start taping this weekend at sa week 6 daw ang pasok ng character ko.

“I will also play the lead role in an episode of Magpakailanman this March. It’s about an actor na naging macho dancer before he joined showbiz, pero hindi ko puwedeng i-reveal ang identity ng actor (we’re told it’s Kristofer King of Serbis, Oros).

“I’m excited pero kinakabahan din kasi may macho dancing scenes ako. Naghahanap nga ako ng magtuturo sa ‘kin how to do it. I’m sure hindi naman ‘yun magiging sobra kasi sa TV ito ipalalabas. Nandiyan ang MTRCB para bantayan kami,” pagtatapos ni Aljur.

 

MASAYA ANG isa sa mahusay umarte among GMA-7 young actors na si Kristoffer Martin, everytime na may magsasabing isa siya sa puwedeng humalili sa mga iiwang puwesto ng mga Drama King ng GMA-7 na sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, atbp.

Ayon nga ka’y Kristoffer, na hindi raw niya ito iniisip. Para raw sa kanya ay ibinibigay lang niya ang kanyang 100% na puwede niyang ibigay sa mga trabahong ibinibigay sa kanya ng GMA-7, bilang pasasalamat na rin daw sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng kanyang home studio.

Right now nga ay binigyan siya ng proyektong leading man siya ng co-Tweens nito na si Kim Komatsu na kauna-unahang magbibida sa afternoon soap na Serpentina, Ang Kakambal ni Eliana, kaya naman sobra-sobra ang kanyang pasasalamat sa GMA bosses.

Isa nga sa wish ni Kristoffer ngayon na sana raw ay tanggapin ng mga manonood ang tambalan nila ni Kim na first time nitong makakapareha sa isang proyekto. Nakasama na raw nito si Kim sa indie film na Oros pero konti lang daw ang kanilang naging eksena, hindi raw katulad sa pagsasamahan nilang soap na halos karamihan ng eksena ay sila ang magkasama.

 

FROM PAGARI, Mohammad Abdulla na may premiere night sa March 19 sa SM Megamall Cinema 7 at may regular showing sa March 20 sa selected SM cinemas, may next movie na ang isa sa naging miyembro ng XLR8 na si Arkin Del Rosario at ito ay ang pelikula ng Viva Films na Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi na pagbibidahan nina Alice Dixson, Andi Eigenmann at Gabby Concepcion.

At  kanyang 2nd movie raw ay hatid ng kanyang home studio, ang Viva Films kaya naman daw very thankful siya kay Boss Vic Del Rosario at Boss Veronique Del Rosario dahil isinama siya sa nasabing pelikula, kung saan kaibigan ni Andi ang kanyang role na ginagampanan.

Kuwento  pa ni Arkin na pag-arte raw talaga ang kanyang first love, kung saan bago siya naging miyembro ng XLR8 ay marami na siyang nilabasang stage play, kung saan isa sa ginawa niya ay ginawaran siya ng award bilang Best New Male Stage Actor. Kaya naman daw gusto niyang gumawa ng pelikula at soap para magamit niya ang kanyang acting skills.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

9 thoughts on “Aljur Abrenica, ‘di aalis sa Siyete!

  1. hoy Aljur! ikaw pa magmamalaki? eh wala naman napapala ang GMA sa yo. ilang taon ka na artista hanggang ngayon tuod na tuod ka pa rin umarte. walang kwenta! eh di lumipat ka kahit saan mo gusto. ikaw pa me ganang magtampo? hello?! eh katatapos lang halos ng “coffee prince” mo na hindi naman nag rate kaya nga tinapos agad… pasalamat ka at binibigyan ka pa ng project ng GMA kahit hindi ka naman bankable.

  2. naku. walang kukuhang iba dito. puro itsura lang to, walang talent. eto ang male version ni Marian Rivera.

  3. Eh bakit saan naman siya pupunta?  GMA lang ang puwedeng magtiyaga sa kanya.  GMA is the home of ham actors, kaya sa GMA siya bagay.

    • SOBRA KA NAMAN. PERO MERONG ISA DUN NA HAM NA HAM HA. SI GEOFF EIGENMANN BA YUN, YUNG JUNAKIS NI GINA ALAJAR NA BF NAMAN NI CARLA. JUICE MIO, KUNG ANONG IKINAGALING NG MUDRA AT PUDRA, DI MO MAWARI KUNG SAAN NAGMANA ANG ANAK. LOL

  4. AALIS PA BA SI ALJUR SA GMA? EH NEXT TO RICHARD G AND DINGDONG NA SYA. BAKA PAG LUMIPAT SYA SA ABS, MAGING ONE OF THOSE NA LANG SYA. SABAGAY, AALAGAAN YAN NI ATE BOY AT NI AI-AI NA PATAY NA PATAY SA KANYA. HAHAHA. KALOWKAH!

    • BAKA NGA MAWALA ANG PAGIGING KAHOY NIYA PAG LUMIPAT SIYA NG ABS HAHA! PERO KUNG AKO SA KANYA PARA MAS SUMIKAT AT PAG-USAPAN SIYA NG TODO DAPAT MAGHUBO’T HUBAD SIYA SA ISANG INDIE FILM HAHAHA!

      • Yun na nga eh. Buti kung santol. Usap-usapan nuon sa shoot ng Temptation Island, ayaw mag skimpy trunks si AA. Ayaw daw mabuking na dyuts lang daw ang kanya. Hehe..

      • AY KNOWN NAMAN SA SANGKABADINGAN NA JUTS ANG LOLO NYO. OK LANG YON. MAGTIIS NA LANG SA SINIGWELAS! LOL

Leave a Reply

Your email address will not be published.