Aljur Abrenica, dahilan ng pag-o-ober da bakod ni Paulo Avelino?!

SUNUD-SUNOD NA ILING ang ibinigay sa amin ni Aljur Abrenica sa tanong namin nang makatsikahan sa final episode ng season 2 ng Mind Master na siya raw ang dahilan kaya nag-ober da bakod si Paulo Avelino sa ABS-CBN. Pulos siya na lang daw kasi ang binibigyan ng magagandang role at pawang bida pa, samantalang kaya rin daw naman nito ang mga ginagawa niya?

“Hindi rin, eh,” tanggi ni Aljur. “Kasi magkaiba kami ni Paulo, eh. Magkaiba ‘yung kaya naming gawin at ‘yung role na ibibigay sa amin. Una, moreno ako, siya mestiso, so du’n pa lang, magkaiba na, ‘di ba? Saka nabibigyan din naman siya ng mga show dito. Basta sa akin, magkaibigan pa rin kaming dalawa at hindi magbabago ‘yun kahit na magkaibang network na kami.”

Paano kung matapos na ang kontrata niya sa GMA-7, may plano rin ba siyang lumipat?

Matagal na nag-isip si Aljur bago ito nagsalita. “Mahaba pa ang kontrata ko sa Siyete, eh. Matagal pa ang lalakbayin. Ang iniisip ko lang ngayon eh, ‘yung magawa ko ‘yung best ko at ‘yung hinihingi nila sa akin sa bawat role na ginagawa ko. Never na sumasagi sa isip ko ‘yung tanong ninyo.

“So far, masaya ako dito (GMA-7) at happy ako sa mga project na ibinibigay nila sa akin.”

Kinumusta rin namin si Rich Asuncion sa kanya at kung ano ang masasabi niya na tipong happy na ito kay Ervic Vijandre. “Ako naman happy rin kung saan siya masaya. Nababalitaan ko nga ‘yun pero hindi kami nagkikita, eh. Masaya ako kung masaya siya, ‘di ba?” sagot naman ni Aljur.

Mukhang masaya nga si Aljur at kita sa aura nito dahil lalong lumabas ang kaguwapuhan niya nu’ng napangiti siya nang bonggang-bongga nang sumalang na siya sa Mind Master at nagtanong siya kay mentalist Nomer Lasala kung ano ang mangyayari sa kanya five years from now. Namula si Aljur sa sagot ni Master Nomer. Ang sagot kasi na lumabas sa papel habang kusang “nagsusulat” ang ballpen ay “best actor award”! Meaning in five years time, mananalo ng acting award si Aljur!

Maging si Dennis Trillo na special guest co-host ni Master Nomer ay nagulat at napa-wow sabay sabing, “Magkakaroon ka na rin ng best actor award gaya ko!”

Tuwang-tuwa naman si Aljur sabay sabing ‘yun din ang gusto niya kaya naman lagi niyang ginagalingan ang pagganap niya sa mga role na natotoka sa kanya.

‘Yun na! Tsuk!

 

KAHIT SI GWEN Zamora pala ay nagulat nang siya ang mapili ng producer ng Skylar Pictures (ng Indonesia) sa dami ng naggagandahang GMA-7 actress upang maging bida sa pelikulang The Witness na ginawa nila sa Indonesia. Nagkataong nasa GMA Artist Center ang producer ng The Witness na kasalukuyang nandu’n din si Gwen at nakita siya ng mga ito.

Nabalewala ang mga ibinigay nilang mga pictures ng mga GMA-7 actress dahil kaagad na nagandahan sila kay Gwen at si-nabing siya na!

Siyempre, pinaghandaan namang mabuti iyon ni Gwen lalo’t first time niyang makikipag-trabaho sa mga tao sa Indonesia, at sa iginagalang na direktor nilang si Muhammad Yusuf. Pero sabi ni Gwen, mababait daw ang mga ito, seryso at mabibilis magtrabaho. Almost a month din ang itinigil ni Gwen sa Indonesia na sabi’y wala na siyang oras mamasyal dahil halos araw-araw ang syuting nila. Pero nu’ng last day niya ay ipinasyal naman siya sa magagandang lugar sa Indonesia kaya kahit paano ay nakapag-enjoy rin siya.

Hindi alam ni Gwen kung kailan ipalalabas ang The Witness dito sa atin. Pero wish niya, sana tangkilikin din ng mga Pinoy dahil napakaganda raw ng pelikula.

Samantala, posibleng “mabuhay ulit ang bangkay” meaning ang dating tsismis sa kanila ni Vic Sotto lalo’t break na ito kay Pia Guanio, dahil sila ulit ang magkapareha sa pang-MMFF ng M-Zet Films. Matatandaang last year ay inihatid pa siya ni Bossing Vic sa bahay nito pagkatapos ng MMFF awards night.

Sa tanong kung handa na ulit siyang maintriga kay Bossing? Ngumiti lang nang ubod ng tamis ang napakagandang si Gwen Zamora.

Alam mo na, huh?! ‘Yun na!

 

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

loading...

5 thoughts on “Aljur Abrenica, dahilan ng pag-o-ober da bakod ni Paulo Avelino?!

  1. ano kaba paolo lumipat ka na sa ebs ginagamit mo paren si aljru sa mga reporter wag ninyo gamitin si aljur para tanung tanungin about kay paolo na may anak na! sus ankakatoerete na yang ganyang news!! 

Leave a Reply

Your email address will not be published.