Aljur Abrenica at Kylie Padilla, pagsasamahin sa isang project?

KAHIT ANONG PILIT nilang i-deny ang tunay nilang relasyon, marami ang makakapagpatunay na magnobyo na talaga ang Kapuso stars na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Sa katunayan nga, lumabas pa sa Pinoy Parazzi ang kanilang mga larawan habang nagho-holding hands sa isang event.

Patapos na ngayong buwan ang panghapong dramang Blusang Itim na pinagbibidahan ng dalaga ni Binoe. May nakapagsabi sa amin na may nilulutong programa ang GMA-7 para sa kanilang dalawa. Huling napanood sa Machete si Aljur Abrenica at hindi masyadong kinagat ng tao ang tambalan nila nina Bela Padilla at Ryza Cenon.

Kay Kylie kaya ay muling babangon ang macho papang ito? Eh kailanganin na naman ba niya si Kris Bernal para mag-survive?

 

JAKE CUENCA AT SHAINA MAGDAYAO, GAGAWA NG TELESERYE SA DOHA!

Matagal-tagal na rin walang teleseryeng nilalabasan ang Kapamilya stars na sina Jake Cuenca at Shaina Magdayao.

Habang si Jake ay busy sa shooting ng isang pelikula, halata na tila parang nag-lie low sa kanyang showbiz career si Shaina Magdayao. Lumabas pa nga ang balitang tuluyan na nitong lilisanin ang showbiz.

Umalma naman ang dalaga sa mga haka-haka at nakangiti niyang ibinalita na magkakaroon sila ng teleserye ni Jake Cuenca na kukunan pa sa Doha, Qatar ang mga eksena.

Sa Setyembre pa raw nakatakdang umpisahan ang shooting ng programa kaya ine-enjoy muna ng dyowa ni John Lloyd Cruz ang kanyang free time.

Teka, wala ring teleserye si Papa Lloydie ngayon, ‘di ba? Enjoy na enjoy ba sa piling ng isa’t isa?

 

DINGDONG DANTES AT RHIAN RAMOS, MAGBABALIKAN!

Mukhang plantsado na ang susunod na drama series ni Dingdong Dantes sa Kapuso Network.

Dalawang buwan na ang nakararaan nang unang mai-report na magsasama sana sa isang programa sina Dingdong Dantes at Heart Evangelista. Ang dapat sana’y first team-up ng dalawa ang itinuturong dahilan kung bakit sinugod ni Marian Rivera si Heart Evangelista sa taping ng Temptation Island.

Kamakailan lang ay kinumpirmang nakalatag na ang bagong proyekto ni Dingdong Dantes sa Siyete. Makakatambal muli ng aktor ang kanyang ‘Stairway to Heaven’ leading lady na si Rhian Ramos.

Naging positibo naman acting-wise ang tambalan ng dalawa, pero hindi na tinuloy ang plano pa nga sana noon ng GMA Films na gawan sila ng pelikula.

Sa muling pagbabalikan ng dalawa onscreen, magselos na naman kaya si Marian Rivera? Alam na ng lahat ang sagot!
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Aljur Abrenica at Kylie Padilla, pagsasamahin sa isang project?

  1. Sayang ang heart-dingd0ng first team up together.,pero ok na rin kc d naman sobrang sikat c d0ng,.mas maganda ang heart-geoff team up kc wla syang gf na gurang na s0brang selosa at maldita.,

  2. flop ito… ano ba nman ang iniisip ng mga producer na mga ito… sayang sa oras… di nga sila kakiligkilig eh. walang chemistry

Leave a Reply

Your email address will not be published.