ALJUR ABRENICA AT KYLIE PADILLA, MAGSYOTA NA?

NAKAKALOKA NA ANG mga nangyayari, ha! Sa gitna ng imbestigasyon sa mga anomalya sa military, bigla tayong ginulat sa pagkamatay ng dating Sec. Angelo Reyes sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili.

Nakakapangilabot! Pero nangyari na nga, kaya bilang respeto na rin sa pamilyang iniwan ni Sec. Reyes, itigil na muna natin ang mga haka-haka at bigyan muna natin ng panalangin na sana ay matahimik siya sa kabilang buhay.

Samantala, siyempre tuloy pa rin ang buhay sa showbiz at ang dami ko ngang na-miss nang magbakasyon kami sandali sa Paris. Talagang nagtanong pa ako kung ano ba ang latest sa kaso ni Cong. Ronald Singson, bakit ginulo na naman si Lovi Poe? Ang ending tuloy naospital ang pobreng young actress dahil daw sa respiratory problem.

Nakausap namin sa Tweetbiz nu’ng kamakalawa lang ang manager ni Lovi na si Leo Dominguez at sinabi nga nitong palabas na ng hospital ang alaga dahil medyo okay na raw ang pakiramdam nito. Nilinaw niyang hindi ito dahil sa depression. Nagkasabay-sabay lang daw ang dami ng trabaho at hindi na nakayanan ng katawan, kaya nagpa-confine na si Lovi.

Pero nu’ng nakausap via phone patch si Lovi sa Showbiz Central nu’ng nakaraang Linggo, sinabi nitong sa dami nang pinagdaanan niya, may lugar pa ba ang depression sa kanya?

Nakikita namang malungkot talaga ang aktres dahil sa mga pinagdaanan nitong isyu, kaya siguro hayaan na lang natin siyang manahimik. Pagkalabas niya ng hospital ay abala na agad si Lovi sa promo ng My Valentine Girls na showing na ngayong araw.

Sumipot naman ito sa premiere night na ginanap sa SM Megamall kagabi at dadalo raw siya sa iba pang promo nito. Tingnan na lang natin kung pupunta si Lovi sa Hong Kong sa susunod na hearing ni Ronald.

SINA ALJUR ABRENICA at Kylie Padilla naman ngayon ang pinag-uusapang mag-on na raw, pero itinanggi naman ito ng young actor nang nakausap namin sa Startalk. In fairness kay Aljur, ang daming nali-link sa kanya ngayon, pero mukhang interesting itong sa kanila ni Kylie, ha! May project kaya silang pagsasamahan? Abangan na lang natin pagkatapos ng Machete.

Kaya lang, bukod kay Kylie, nandiyan pa rin ang intrigang sila pa rin daw ni Rich Asuncion. May nakakita raw na magkasama silang kumain sa Morato.

Sinagot ito ni Rich nang nakausap ng Tweetbiz. Nagkataon lang daw na nandoon siya sa Morato nang nag-text sa kanya si Aljur na niyaya siyang kumain sa labas. Tamang-tama na malapit din doon si Aljur kaya nagkita sila. Wala naman daw masama dahil magkaibigan pa rin naman daw sila. At minsan-minsan naman ay nagkakayayaan talaga silang lumabas, pero hindi lang silang dalawa kundi marami raw sila.

Anyway, tingnan na lang natin kung may magic itong tandem nina Aljur at Kylie kung magkakasama sila sa isang project ng GMA-7.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “ALJUR ABRENICA AT KYLIE PADILLA, MAGSYOTA NA?

  1. mas bagay pa rin po sina KRIS BERNAL & ALJUR ABRENICA ..:) sana po gawa po ulit sila nang project na magkasama po sila ..

Leave a Reply

Your email address will not be published.