Aljur Abrenica at Kylie Padilla, ‘di na natapos ang isyu ng break-up!

SI PEN Medina ang ipinalit kay Eddie Garcia sa bagong telefantasya ng GMA-7 na Aso Ni San Roque.

Naging isyu itong pagpapalit ni Eddie sa ibang aktor na gagampanan niya rito dahil naglabasan ang isyung na-hospitalize ito at medyo maselan daw ang kalagayan.

Wala namang may nagkumpirma sa pamilya o kampo ni Eddie kung ano talaga ang kalagayan niya.

Ang sabi lang, nagpa-executive check-up lang daw ito na ginagawa naman niya taun-taon.

Okay na raw ang kalagayan nito, pero naka-schedule naman daw siyang magbakasyon sa Amerika kaya kailangan siyang palitan talaga.

Pero may partisipasyon pa rin daw siya sa project na ito na hindi nga lang daw ganu’n kadalas ang taping niya.

Tumatawag nga raw ito lagi sa production staff na nagtatanong ng costume niya at kung kailan siya magsisimula.

‘Yun ang kuwento ng mga staff, at wala silang sinasabi kung ano talaga ang sakit ni Manoy, bakit siya na-hospital.

Sa presscon ng Aso ni San Roque nu’ng kamakalawa ng gabi, nakaw-eksena si Pen dahil baklang-bakla talaga siya roon.

Matandang pilay na bading ang role niya at kuhang-kuha niya ito. Para siyang si Bong de Leon na reporter kumilos kaya tawa nang tawa ang mga reporters paglabas niya.

Kuwento ni Pen, talagang nag-cramming daw siya nu’ng inalok sa kanya ang role dahil kinabukasan, magti-taping na ito.

Pinaghalu-halo na raw niya ang mga akting ng mga nakilala niyang bading ang ginawa niya at maganda naman ang kinalabasan. In fairness naman talaga kay Pen, magaling naman siyang aktor kaya perfect naman siyang kapalit kay Eddie.

Nu’ng nalaman nga raw ni Manoy na si Pen ang ipinalit sa role na dapat sa kanya, tawa raw ito nang tawa dahil alam niyang kakayanin ito ng huli.

Pero ang concern ng lahat siyempre kung okay na ba si Eddie.

Hindi siya nakasipot sa premiere night ng pelikula niyang Bwakaw kaya marami tuloy  ang nagdududa. Sana nga okay na siya ngayon at puwede na siyang bumalik sa trabaho.

 

HETO NA naman ‘day! Pinag-uusapan na naman na nagkakalabuan na raw talaga ngayon sina Aljur Abre-nica at Kylie Padilla.

Marami ang nakapansin na hindi raw gaanong nagpapansinan sina Aljur at Kylie sa Party Pilipinas nu’ng nakaraang Linggo.

Ilang beses ko nang naririnig ang ganu’ng kuwento, ha? Hindi na natapus-tapos ‘yan. Merong break, merong hindi naman daw, merong nagkakalabuan.

Umiiwas na kasi ngayon si Kylie na magsalita tungkol sa lovelife niya at talagang binabantayan ito ngayon para hindi ma-interview ng reporters. Sa presscon na lang daw siya magsasalita.

Ang alam ko, matagal pa naman ‘yun, dahil inaayos pa ang drama series na gagawin nila ni Dingdong Dantes na Haram.

Pero ang kuwentong nakarating sa akin, damay raw si Kris Bernal dahil sa balik-tambalan nila.

Mas focus daw kasi ngayon si Aljur sa gagawin nila ni Kris na Coffee Prince, at ganu’n din ang huli.

Hindi kaya pinagseselosan ni Kris si Kylie? Naku ha? ‘Di ba may Carl Guevarra na si Kris?

Sa totoo lang, complicated na ‘yan. Mas mabuti siguro isantabi na muna ‘yang lovelife na ‘yan at mag-concentrate na muna sa career.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Aljur Abrenica at Kylie Padilla, ‘di na natapos ang isyu ng break-up!

  1. ITApat n lahat ng artista ng GME7 in terms of actingan k Xyriel eh d cla mananalo tataubin lng cla ng isang batang babae nc Xyriel!!!

  2. flop na sigurado ang bagong show ng kapuso, madidisappoint ang mga manonood dahil sa low quality effects at ang poor acting performance ng mga bida. at please lang! wag nga makapal ang mga kapuso! pinagmamalaki na nga nilang number 1 station sila, pinagkakalat pa nilang yang bidang bata ang pinamahusay at pinakasikat na child star sa showbiz! UTANG NA LOOB! kalevel lang ni richard guttierez sa aktingan yung bata! kulang sa workshop! and hello! nahiya naman ako para kay zyriel manabat! gising gising mga kapuso! kabahan kayo sa mga pinagsasabi nyong number 1 at pinakamahusay!

Leave a Reply

Your email address will not be published.