Aljur Abrenica at Kylie Padilla, ‘di na mapigilan ni Robin ang relasyon

Kylie-Padilla-Aljur-AbrenicaTANGGAP NA ni Robin Padilla si Aljur Abrenica  bilang boyfriend ng kanyang anak na si Kylie. Ngayon lang naging open ang dalawa sa tunay nilang relasyon dahil wala nang sagabal sa kanilang pagmamahalan. Ilang taon rin naman nilang itinago ang kanilang pag-iibigan kahit alam naman natin hindi sila mapaghihiwalay ng tadhana. They’re both in love, first love ni Kylie si Aljur. First serious relationship naman ng actor ang actress. Kahit may tumututol sa kanilang pagmamahalan noon, patuloy na nagkikita nang paliihim sina Kylie at Aljur, hindi alam ni Papa Robin .

Nang magpaalam si Kylie kay Robin na gusto na nitong magsarili, binigyang-laya ng ama ang kanyang anak na dalaga na maging independent at manirahan sa condo. Kahit masakit sa kalooban ni Binoe, pinayagan nito ang anak.

Nang malaman ni Robin na nanliligaw si Aljur kay Kaylie, seryosong kinausap agad nito ang anak na dalaga. Natural lang sa isang ama na mag-alala. Baka nga naman paglaruan lang ang kanyang anak. Maayos na nag-usap ang mag-ama. Hindi itinanggi ni Kylie, nililigawan siya ni Aljur. Obvious namang gusto nila ang isa’t isa. May kilig factor nga ang dalaga tuwing napag-uusapan ang binata.

That time, hindi pa matanggap ni Robin na may bagong lalaki na sa buhay ni Kylie maliban sa kanya. Ayaw muna nitong magka-boyfriend ang anak. Palaging sinasabi ng action superstar na bata pa si Kylie para makipag-relasyon. Bigyan muna ni Kylie ng priority ang pag-aartista bago ang lovelife. Pangarap kasi ng dalaga na maging serious actress, mabigyan ng recognition sa kanyang mga drama series sa GMA-7. Kunwari, naghiwalay ng landas ang dalawa para sa ikasisiya ni Robin at nag-focus sa career.

Pero palihim pa rin nagkikita sina Kylie at Aljur, tipong hindi sila mapaghihiwalay. Kahit pilit nilang itinatago ang kanilang relationship, marami ang saksi sa nilang pagmamahalan. Ayon sa binata, first serious relationship niya si Kylie, wala nang kahit nagkaroon ito ng girlfriend in the past. Ibang level daw nang pagmamahal ang ibinibigay niya para sa actress. Ilang taon ding panunuyo ang ginawa nito sa Pamilya Padilla bago tuluyang natanggap ang actor.

Nakita naman kasi ni Robin na totoong seryoso si Aljur kay Kylie at malinis ang intensiyon niya. Sa totoo lang, walang ibang babaeng naugnay sa guwapong actor nang maging sila. Ngayon nga, pinupuri ng action star ang binata, mabait, marespeto at mapagmahal sa pamilya. Kasundo na nga raw ni Aljur ang  pamilya nila dahil tanggap na nga ng mga ito bilang boyfriend ni Kylie. 

Sabi ni Robin, pasalamat si Aljur kay Mariel Rodriguez dahil boto ito para kay Kylie. Ang TV host/ actress na rin ang nagbukas sa isipan ng action star na dapat tanggapin nito na natural lang na may magkagusto sa anak niya dahil maganda na, mabait pa ang dalaga niya.

Wish nga ni Aljur na sila na ni Kylie ang magkatuluyan, ganu’n din ang dalaga. Kahit hindi pa nila napag-uusapan ang paglagay sa tahimik, sa simbahan din naman ang tuloy. If ever na mauwi na nga sa kasalan ang dalawa, Muslim wedding kaya ang magaganap o sa Catholic church sila magpapakasal ? Ito ang ating abangan…

Sa ngayon, hindi pa raw nila pinag-uusapan ang bagay na ‘yun. Ini-enjoy pa raw nila ang kanilang love relationship na matagal din nilang itinago sa publiko. Ganu’n ? Sige na nga…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

One thought on “Aljur Abrenica at Kylie Padilla, ‘di na mapigilan ni Robin ang relasyon

Leave a Reply

Your email address will not be published.