Aljur Abrenica at Kris Bernal, pilit na pilit ang pagpapakilig – Joey Sarmiento

TRUE KAYA ANG nabalitaan namin na isang dating ramp model na naging film producer at student’s conference organizer ang wanted ngayon sa Macau at hindi makabalik sa lugar na ‘yon dahil sa isang kaso?

Paano kasi, diumano’y nag-o-operate pala ng isang internet dating service at cyber sex ang naturang film producer sa Macau na natiktikan ng mga police officer du’n.

Bukod sa hindi ‘yata legal ang internet sex chat sa Macau, e, hinahabol din ang ating bida sa item na ito dahil sa human trafficking.

Sabi sa amin, meron siyang ilang tao na naka-front at nagsasabing sila ang operator pero na-trace daw ng mga pulis na siya pala ang totoong operator nu’n, tsk,tsk,tsk!!!

Ang alam namin, meron pang ilang malalaswang negosyo sa Hongkong ang bida sa item na ito pero hindi pa naman siya nahuhuli.

Pero kung hindi titigil ang ating bida sa ganitong uri ng negosyo, sigurado, hindi rin magtatagal at siguradong sa kangkungan pupulutin ang naturang film producer.

Ina ng awa, sana naman, e, magbago na ng bisnis ang ating bida at maawa sa mga nae-exploit na mga girls… getz?!

Nu’ng December pa, e, halata nang walang amor si Geoff Eigennmann kay Carla Abellana.

Aba, nu’ng tinanong namin siya kung ano ang plano niya kay Carla para sa isang date, e, parang wala lang. Parang hindi siya intresado. In fact, sinagot nga niya kami na wala siyang plano.

Hmmm… ‘yon ba ang nanliligaw? Feeling namin, pinipilit lang ng GMA-7 ang pag-link sa kanilang dalawa and now, dahil hindi kinagat ng tao, e, natibag na ang kanilang loveteam.

Walang kadala-dala ang GMA-7 management dahil heto pa rin sila kina Aljur Abrenica and Kris Bernal, ang kulit. Pinipilit nilang pakiligin ang mga viewers sa dalawang bagets pero mukhang hindi naman totoo. Fake na fake.

Kapag nagsasalita si Kris, halatang spoon-fed ang mga sinasabi. Hindi galing sa puso kahit na nasa Kapuso channel sila. PIlit na pilit kasi ang dating kaya sigurado, kapag hindi pa nag-klik ang teleserye nilang dalawa, e, tama ang title nu’n para sa dalawa, talagang last na nila ‘yon… pwamis!!!

SA TOTOO LANG, na kay Papa Piolo Pascual na ang lahat. Guwaping. Madatung. Hunk at maraming abs.Good catch nga raw, sabi ng iba. Cover pa ngayon ng Men’s Health Magazine at kitang-kita du’n ang kanyang macho body.

Pero ito ang billion dollar questions: Bakit for straight 8 years, e, wala pa rin siyang boyfriend, este, girlfriend? Bakit laging malamig ang kanyang mga gabi? Bakit laging friends and family lang ang kanyang nakakasama sa mga special occasions? Bakit parang hindi siya kinikilig kapag pinag-uusapan si KC Concepcion? Ano ang gusto niyang topic?

Paki-answer nga, mga hunks and boylets. Ganu’n ba talaga ‘yon? Kaya ba talaga nating maging tigang for 8 straight years?!

Turning 33 years old na si Papa P. pero single and available pa rin. Why, oh, why?

Ui, wala kaming ibig sabihin diyan, huh! Wala lang. Nagtatanong lang.

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Related Post

loading...

16 thoughts on “Aljur Abrenica at Kris Bernal, pilit na pilit ang pagpapakilig – Joey Sarmiento

  1. bakit bvah kau qanyan kai kris bernal ? xumuxobwa nah kau ah .. napakaxama nio ! kun kami nqanq fanx larn nia naxaxaktan panu pah kea xii kris ? d bvah kau nakokonxenxia ? panu kinakea nq xikmuwa nio anq makaxakit nq taonq ala amanq qinaqawa xenio ? tao larn dn aman kau ah .. diyox bvah kau pawa maqxalita nq qanyan ? ii anq diyox nqa d qanyan ii .. anu bvah aman kau ? pawa kaunq mqa animalx ! xobwanq nakakaxakit nah kau ah .. makonxenxia aman kau ! lalo kah nah joey sarmiento ! d muh bvah iniicp nah mawami kanq natatapakan dahil xa mqa cnuxulat monq d maqanda ? kea alanq world pix ii .. dahil xa mqa taonq 2lad nio ! ahmfpnex aman ! ahuhu .. ;(

  2. ..kwawa ka nman joey sarmiento..mgkano b ang binabayad sau ng kapamilya network pra siraan ang mga artist ng kapuso..??? mahiya ka nga sa sarili mo…kung magsulat ka prang npakaayos mong tao pero utak talangka ka nman…haaay naku..kya d bummebenta ang dyayo nyo ehh..psalamat ka binabyaran kau ng dos…hhahahaha..kwawa nman!!!

  3. WAG NIO SILA PANOORIN PARA WALA KAYONG MASABI. MGA BOBO! SORRY TO SAY THAT, BUT ITS TRUE. YEAH ITS TRUE! HAHAHA! NOOD KAYO NG NOOD E AYAW NIO NAMAN SAKNILA. PANOORIN NIO GS2 NIO PARA WALANG PROBLEMA AT DI KAYO NAMOMOBLEMA. PATI PROBLEMA NG IBA PINOPROBLEMA NIO MGA PAKILAMERO AT PAKILAMERA~|!

    GO ALKRIS! ILOVE YOUR TANDEM! PERFECT! GOOD COUPLE! NICEEEEEEEEE! MADAMI PANG PROJ. NA DDATING SAINYO. D2 LANG AKO PARA SAINYO, PARA LUMAKAS LALO LOOB NIO. HAYAAN NIO MGA NAG BABAD COMMENTS SAINYO. MGA INGGIT LNG YANG MGA YAN KASI THEY ARE NOT SIKAT! PERO KAYO SIKAT! :) GO GO GO! FYT3X!

    KUNG AYAW MO SAKNILA, EDI AYAW MO, BAT SA TINGIN MO GS2 KA BA NILA? HAHAHA! BANAT!

  4. gago ka joey sarmiento mukhang pera ka rin at bakulaw, ayusin mo ang siinusulat mo, hambog at bayot na baklang ito, pwee….mamatay ka na san

    • what? nasaan yung ibidensya na kumokopas? ILABAS para mapaniwalaan, hindi yung magkasama lang silang kumakain ng kapwa nya artista ay bakla na o nag malling lang o nanuod ng sine. di kung ang mga lalake pala ay nag sama sa isang lugar tulad ng panunuod ng sine, kainan sa restaurand, nag shopping ay mga bakla na. nakakatakot pala.

  5. hinuhulaan ko na ang alkris tandem kapag hindi pa rin nagrate ang palabas nila, wala na silang susunod na proyekto.
    yan kasi ang napapala ng istasyon nila sa pagmamanipula ng ratings, akala sikat pero sa kamuning lang pala sila sikat.
    unknown pa rin sila in the rest of the philippines and the world!

    • Hindi match ang Kris at Aljur loveteam kaya hindi click
      sa publiko. Si Aljur ay probinsiano na pinoy na pinoy ang
      dating at macho, ang bagay sa kanya ay isang mestisang
      maganda at sosyal( para bang isang taga Forbes Park
      na socialite umibig sa isang kargador sa Tondo ang
      istoria). Si Kris naman ay mahinhin at malambot ang
      personalidad ang bagay na partner sa kanya ay isang
      guwapo na barumbado at matapang ang itsura( isang
      probinsiana na mahinhin inibig nang isang city boy na
      sanggano) Kung ipagpipilitan nang GMA ang Kris at
      Aljur loveteam, walang effect sa manonood.

Leave a Reply

Your email address will not be published.