Aljur Abrenica at Kris Bernal, kakayanin ba ang primetime?

Ang tambalang Aljur Abrenica at Kris Bernal (AlKris) ang sinusugalan ngayon ng Kapuso network. Natuwa ang executives ng GMA-7 dahil mataas ang rating ng kanilang kakatapos lang na afternoon drama na Sinenovela presents Dapat Ka Bang Mahalin. Ito ang programang nakakuha ng pinakamataas na rating sa lahat ng pinalabas na Sinenovela mula noong nag-umpisa ito noong 2007. Maituturing na record-breaking nga ang kanilang pagsasama.

Dahil dito, hindi nag-atubili ang GMA-7 na bigyan ng primetime show sina Aljur at Kris sa pamamagitan ng All My Life, isang light romance-drama na ang pinaka-target viewers ay ang mga bagets. Napanood na namin ang unang episode ng programa at sa palagay namin, hindi kumplikado ang daloy ng istorya nito. Sa totoo lang, masyadong common ang kuwento. Dalawang magkababatang nagkahiwalay na magkikita muli paglaki nila tapos magkakainlaban pero hindi nila pwedeng ibigin ang isa’t isa dahil may kanya-kanyang syota na ito at magkalabang mortal ang kanilang mga magulang. O, ‘di ba, napanood na natin ito noon?

Pilitin man nilang sabihin na pinaghandaan ang palabas na ito, ang pakiramdam namin, minadali ito. Halata rin naman sa promo. Parang dalawang linggo bago ang airing saka lang namin narinig na may ganitong programa palang niluluto ang GMA-7. Hindi man lang nakapagpahinga ang dalawang Starstruck graduates dahil tumatanggap pa rin ang dalawa ng out of town shows at guestings. Nakaiskedyul din silang pumunta ng Bohol para sa shooting ng kanilang launching movie bilang magkapares.

Sa totoo lang, may fanbase naman talaga sina Aljur at Kris. Hindi nga lang natin alam kung sapat na ito para sabihing kaya na nilang dalhin ang isang primetime show. Maganda rin ang naisip ng Kapuso network na isalang sila sa mas maagang timeslot para makapanood ang mga kabataang kakagaling lang sa school.

Meron lamang kaming isang napupuna, bakit ba palaging naghahalikan sina Aljur at Kris? Katulad sa opening credits ng Dapat Ka Bang Mahalin? Aba, sila lang ang naghalikan sa lahat ng naisalang sa Sinenovela, ah! Sa  ibang guestings din nila, pinagbibigyan nila kaagad ang mga tao kapag kinakantyawan sila ng kiss. Lalo kaming nagtaka dahil pati sa mga presscon, naghahalikan sila with matching tears. Naku, hindi na kailangan ng sobrang halikan. ‘Ika nga ng Spice Girls, “Too much of something is bad enough”.

Sa ginagawang pagbibuild-up ng network kina Aljur at Kris, p’wede na rin kaya silang ipantapat sa tambalang Kim at Gerald? Tingnan natin pagkatapos ng unang season ng All My Life at ng kikitain ng kanilang pelikula.

Para sa mga katanungan at komento, mag-e-mail lamang sa pinoyfansclub@gmail.com. Bisitahin din kami sa http://www.pinoyfansclub.com.

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

10 thoughts on “Aljur Abrenica at Kris Bernal, kakayanin ba ang primetime?

  1. National Primetime Program Rankings for July 6 2009 (Monday)
    Program Channel Rtg(%)
    1 MAY BUKAS PA ABS-CBN 39.5
    2 TV PATROL WORLD ABS-CBN 35.2
    3 ONLY YOU ABS-CBN 34.7
    4 TAYONG DALAWA ABS-CBN 33.5
    5 BOYS OVER FLOWERS ABS-CBN 28.4
    6 ZORRO GMA 25.3
    7 ROSALINDA GMA 23.1
    8 24 ORAS GMA 22.8
    9 ADIK SA ‘YO GMA 20.5
    10 THE WEDDING ABS-CBN 19.6

  2. i really dont like the girl, she looks so cheap and publicity hungry. ive seen some of their TV guestings and im sure many can discern that the guy is just caught up in the “obligation” to bring that “kilig-factor” to their loveteam’s followers. they wouldn’t last im sure, the packaging is too lame and i dont see any “big star” factor on kris, sorry.

Leave a Reply

Your email address will not be published.