Aljur Abrenica and Kylie Padilla: Unforgettable Love Thing!

ALJUR ABRENICA

Real Name: Aljur Guiang

Birth Date: March 24, 1990

Zodiac Sign: Aries

Symbol: The Ram

Ruling Planet: Mars

Quality: Cardinal

Element: Fire

Basic Trait: I Am

Closest Metal: Iron

Lucky Day: Tuesday

 

KYLIE PADILLA

Real Name: Kylie Nicole Padilla

Birth Date: January 25, 1993

Zodiac Sign: Aquarius

Symbol: The Water Bearer

Ruling Planet: Uranus

Quality: Fixed

Element: Air

Basic Trait: I Know

Closest Metal: Aluminum and Uranium

Lucky Day: Saturday
KAHIT KUYUGIN pa ng mga die-hard ALKRIS fans si Kylie Padilla, hindi nila matitinag ang sincere love ni Aljur Abrenica sa totoong dyowa. Napatunayan ito ng hunk actor nang ipagtanggol niya sa Twitter ang kasintahan laban sa bashers nito. Kylie, your hair is so haba, huh! About hanggang Australia ang hairlaloo! Pang-Kylie Minogue ang level ng pagka-dyosa mo, gurl!
Onscreen, may kani-kaniyang partners ang dalawa. Pasok sa panghapong teleserye na Unforgettable si Kylie with cuties Mark Herras and Benjamin Alves. On the other hand, may reunion project daw ulit sina Aljur at Kris Bernal. Patok naman sila sa TV kaya huwag na sanang mangkuyog ang mga faney!
Matagal-tagal na ring magkasintahan sina Aljur at Kylie, pero ngayon lang sila naging all-out sa pagiging vocal. Oras naman na kasi para maging out and proud! Alamin natin sa stars if the Aljur-Kylie thingy will last a lifetime!
Pasok sa banga ang compatibility ng Aries at Aquarius. They share the same traits pagdating sa paging independent at outgoing. Para sa dalawang zodiac, the best way to solve a problem is through the progressive and dynamic approach. Hindi madali para sa kanila ang mag-adjust lalo na sa pagsunod sa mga rules and regulations. Alam nila what’s best for them at gagawin nila ang lahat para ma-expose ang kani-kanilang talents and creative side. Sa love department ay pareho silang loyal at todo kung umibig. Hahamakin ang lahat, mapasaya ka lamang!

Isa pa sa good points ng pagsasamang ito ay ang kanilang rapport pagdating sa pagsuporta sa hilig ng isa’t isa. Mas outspoken ang Aquarius sa mga nais niya at ang Aries ay all-out sa pagiging #1 fan. Hindi maiiwasan ang mga pagkakataong magkakaroon sila ng konting arguments, pero parte naman ito ng relasyon, dabash?! Mataas palagi ang energy nila kaya halos walang boring moments. Good match, match na match!

Sa relasyon ng isang Aries na lalaki at Aquarius na babae, mas dominant sa relasyon ang huli. Kaya niyang pakalmahin ang lalaki sa pamamaraang mahinahon. Pagdating naman sa kama ay mas agresibo si lalaking Aries. Sa sobrang galing nito sa romansa, hindi na kataka-takang maabot nila ang heaven! Boom, Boom, Boom!

I guess that explains why Aljur and Kylie are perfect for each other. Compatible naman pala talaga sila, eh! Mga star na ang nagsasabi. Sa detractors, humanap na lang kayo ng sarili n’yong dyowawits and have a life! Charyority!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.