Aljur Abrenica and Kylie Padilla’s romance, for real?!

SABI NI ALJUR Abrenica sa isang interview sa kanya sa Startalk TX, ayaw na raw niyang ma-link sa anak ni Robin Padilla na si Kylie Padilla. At ayaw na nga raw niyang sumagot sa mga tanong na may kaugnayan sa batang aktres.

May mga makakating-dila na nagsasabing natatakot na raw si Aljur kay Robin kaya mukhang ayaw na nitong ituloy ang panliligaw sa dalaga. Pero ang inirarason naman ng iba, dahil daw iyon sa may kani-kaniyang proyekto sina Aljur at Kylie kaya hindi magandang mapag-usapan silang dalawa o i-link sila sa isa’t isa.

Ayaw nang ma-link? Ayaw nang manligaw? Korek naman kasing talaga! Wala nang link-link, dahil wala

nang isyu?! Wala na ring ligawan, dahil sila na?!

Tingnan na lang natin ang mga litratong ito na napitikan ng aming kamerang-gala sa birthday concert ni

Sam Milby na ginanap sa Zirkoh sa Tomas Morato, Quezon City nito lang nakaraang Sabado, May 14.

Sa mga body language nina Aljur at Kylie sa mga litratong ito, mukhang hindi lang friendship ang drama

nila, o ‘yung tipong nasa ligawan stage pa lang, huh! Meron ba naman kasing nagliligawan na magka-holding hands?! At magkasamang dumating at umalis sa show sakay ng iisang sasakyan?! Hala! So, sino ang nagsisinungaling… sina Aljur at Kylie? O ang mga litratong ito? Kayo na ang magpasiya, mga kaparazzi!

Parazzi Wires Photos

By Dani Flores

Hulicam
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Aljur Abrenica and Kylie Padilla’s romance, for real?!

  1. Hahahaa. koraak. ^
    At SUS! ganyan nman lagi.. nakakabobo na.. 
    hndi daw nagliligawan, pero nag ‘break’ na.. ano ba yan?!?!

    hayyy.. tigilan nyo na kmi.. as if nman me ke, kami sa lovelife nila.. ;p >x)

  2. Baka takot si Aljur na magsumbong si Kylie kay Robin na tinangka siyang halikan. Tignan mo ang ginawa ni Robin kay Luis Manzano. sinugod niya nang magsumbong si Mariel na tinangka siyang halikan maski hindi naman.

Leave a Reply

Your email address will not be published.