Aljur Abrenica and Heart Evangelista: Let’s Talk About Love, Love, Love!


ALJUR ABRENICA

Real Name: Aljur Guiang Abrenica

Birth Date: March 24, 1990

Zodiac Sign: Aries

Symbol: The Ram

Ruling Planet: Mars

Quality: Cardinal

Element: Fire

Basic Trait: I Am

Closest Metal: Iron

Lucky Day: Tuesday

HEART EVANGELISTA

Real Name: Love Marie Payawal Ongpauco

Birthdate: February 14, 1985

Zodiac Sign: Aquarius

Symbol: The Water Bearer

Ruling Planet: Uranus

Quality: Fixed

Element: Air

Basic Trait: I Know

Closest Metal: Aluminum and Uranium

Lucky Day: Saturday

 

MATAGAL NANG MAGKASAMA sa Kapuso Network sina Aljur Abrenica at Heart Evangelista, pero ngayon lang sila nabigyan ng pagkakataong magtambal sa isang proyekto. Silang dalawa ang humalili sa papel nina Alfie Anido at Dina Bonnevie sa remake ng Temptation Island, na ipalalabas na sa July 6! Siguradong marami ang curious kung may chemistry nga ba ang dalawa onscreen.

Sa totoong buhay ay very much in love si Heart Evangelista sa Brapanese hunk na si Daniel Matsunaga. Exclusively dating naman ngayon sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Kahit na may kani-kaniyang commitment na ang dalawa sa mga totoong mahal nila, hindi rin natin maiiwasang isipin ang posibilidad na maging sina Aljur at Heart balang araw. Is the temptation to fall in love strong enough? Itanong natin sa mga shining shimmering splendid stars of love, love, love!

Compatible sa isa’t isa ang Aries at Aquarius. Halos pareho sila ng personality traits pagdating sa pagiging independent at mapagmahal sa kalayaan. Para sa parehong zodiac, ang pinaka-epektibong paraan ng pag-ayos ng problema ay sa pamamagitan ng progressive and dynamic approach. Parehong nahihirapan ang dalawa na makibagay sa mga tradisyon at hangga’t maaari’y ayaw nilang sumunod sa mga patakaran. Importante sa kanila na mailabas nila ang kanilang creativity. Ang maganda sa dalawang ito ay pareho silang busilak ang puso pagdating sa pag-ibig. Loyal kung loyal!

All-out sa pagsuporta ang Aquarius at ini-engganyo niya ang Aries na tuparin ang kanyang mga pangarap. Ang Aries naman ay interesado sa mga ideya ng ka-partner. May mga pagkakataong maiirita ang Ram sa pagiging impulsive ng water bearer, pero hindi ito malaking issue sa kanila. Dahil pareho silang energetic, bihirang maging boring ang pagsasamang ito. Samakatuwid, very good match sila!

Sa relasyon ng isang Aries na lalaki at Aquarius na babae, mas nagiging dominante sa relasyon ang huli. Kaya niyang pakalmahin ang lalaki sa pamamaraang mahinahon. Pagdating naman sa kama ay mas kontrolado ito ng lalaking Aries. Sa sobrang galing nito sa pangroromansa, hindi na kataka-takang maabot nila ang heaven!

Hala, mukhang may dapat ipag-alala sina Daniel at Kylie, ha? Very much compatible pala talaga sina Aljur at Heart. Hindi man ito maging possible ngayon, baka balang araw ay mabalitaan na lang natin na they found love, love, love in each other’s arms! Sabe?!? Charot!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

One thought on “Aljur Abrenica and Heart Evangelista: Let’s Talk About Love, Love, Love!

  1. Sana hanggang Temptation lang sila haha mas bagay kay Tom yung role ni Aljur. Mas kapani-paniwalang waiter si Aljur haha

Leave a Reply

Your email address will not be published.