Aljur Abrenica and Bela Padilla: Legendary Love Journey Ahead

INAABANGAN GABI-GABI SA Siyete ang TV version ng ‘Machete’, ang pelikulang tumatak sa isip ng mga manonood na ipinalabas noong 1990’s. Naging markado ang pagganap nina Cesar Montano at Gardo Verzosa sa kani-kaniyang mga pelikula. Dito rin nakita ang kanilang transition from sexy stars to award-winning actors.

Isang malaking hamon para sa Starstruck Ultimate Hunk na si Aljur Abrenica ang mapili para gumanap sa TV version ng nasabing obra. Hindi rin naman kasi biro ang umakting na nakabahag lang, ‘noh? Isa rin sa inabangan sa ‘Machete’ ang pag-elevate ni Bela Padilla bilang lea-ding lady ni Aljur sa programa.

Machete at Aginaya. Isang alamat ng pag-ibig na ngayo’y natutunghayan natin gabi-gabi. In real-life ay parehong single sina Aljur at Bela. Kahit sabihin pa na mas identified si Aljur kay Kris Bernal, alam naman ng publiko na hanggang onscreen lamang ang kanilang tambalan. Eh, ang Aljur-Bela kaya, may future?

Ang Aries ay mahilig sa mabilisan kahit pa sa pag-ibig. Kapag may nagustuhan ito, prangkahan nitong sasabihin sa taong gustong paibigin nang wala nang paliguy-ligoy pa. Ang Taurus naman ay likas na makilatis. Mas gusto nitong suriin muna mabuti ang nararamdaman bago pumasok sa isang relasyon. Maaring magkaroon ng problema ang dalawa dahil mabilis mahulog ang A-ries, samantalang ang Taurus naman ay guarded sa kanyang nararamdaman.

Kung magkakasundo ang dalawang kampo na intindihin ang isa’t isa at gawan ng paraan ang kanilang pagkakaiba, malaki ang posibilidad na magtagal ang pagsasamang ito. Maa-ring ibigay ng Taurus ang stability at dedication sa relasyon habang ang pagiging ‘on the go’ ng Aries ang magdadagdag ng excitement sa kanilang pagmamahalan. Hindi naman maiiwasang mapikon paminsan-minsan ang Aries sa pagiging seryoso ng Taurus. Out-going din pagdating sa buhay ang Aries samantalang ang Taurus ay mas gustong planado ang kanyang future. Dito maaaring magkaroon ng gap ang dalawang magkasintahan.

Kung ang mga bituin ang pagbabasehan, tila isang malaking pagsubok ang pagsasamang ito, huh?! Kung hindi nila lalawakan ang paguunawa sa isa’t isa, maaring mauwi sa malaking gulo ang lahat ng ito. Pero tulad na lang ng naisulat natin sa past columns ng Pares-Pares, kung talagang nagmamahalan ang dalawang tao, gagawin nila ang lahat para lamang tumagal ang ninanais na relasyon. Itulad na lang natin ‘yan sa pag-iibigang Machete at Aginaya na kahit ilang dekada pa ang dumaan, sila pa rin ang bukod tanging mag-iibigan forever and ever!

Tulad ng isang alamat, maraming pagsubok ang kailangang pagdaanan nina Aljur at Bela kung sakali mang totohanin nila ang kanilang pag-iibigan. Ano sa tingin ninyo, mga Kapuso?

ALJUR ABRENICA

Real Name: Aljur Guiang Abrenica

Birth Date: March 24, 1990

Zodiac Sign: Aries

Symbol: The Ram

Ruling Planet: Mars

Quality: Cardinal

Element: Fire

Basic Trait: I Am

Closest Metal: Iron

Lucky Day: Tuesday
BELA PADILLA

Real Name: Krista Sullivan

Birthdate: May 3, 1991

Zodiac Sign: Taurus

Symbol: The Bull

Ruling Planet: Venus

Quality: Fixed

Element: Earth

Basic Trait: I Have

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

One thought on “Aljur Abrenica and Bela Padilla: Legendary Love Journey Ahead

Leave a Reply

Your email address will not be published.