Alice Dixson, target magpabuntis ngayong taon, patutunayang hindi siya baog

Alice-DixsonGUSTO NA ngang magpabuntis si Alice Dixson sa non-sbowbiz boyfriend at target niya ngayong 2015 ito mangyari. Ito na rin daw ang sagot sa matagal nang ibinabato sa kanya na isa siyang baog kaya hindi magkaanak.

Ayon kay Alice, kumpleto siya ng mga papeles na magpapatunay na wala siyang diperensiya para hindi mabiyayaan ng anak. Aminado naman ang actress na kailangan mabuntis siya ngayong 2015 dahil kundi ay mahihirapan na raw siya.

Inamin din ng seksi at maganda pa ring actress na may tulong ng medisina ang balak niyang magpabuntis sa non-showbiz boyfriend.

Take note, ang pagdadalantao ang priority niya kaysa magpakasal sa boyfriend. Sa pinagdaanan daw kasi niyang diborsiyo, ayaw na ayaw na raw niyang maulit uli sa kasulatan.

Mas gusto ni Alice na mag-live-in na lang muna sila ng boyfriend at saka na isipin ang pagpapakasal. Sakaling mapatunayan nila na kailangan nga nila ang isa’t isa habambuhay, doon na raw siguro dapat na isipin na kailangan na nilang humarap sa dambana. Hangga’t maaari, dalangin ni Alice na ang non-sbowbiz boyfriend na ang huli dahil ayaw na niyang mag-entertain pa ng iba kung sakaling hindi rin sila magtagal ng boyfriend.

Sabi pa ni Alice, ang boyfriend daw niya ang sumasalag ng kanyang mga mood swing dulot ng kalungkutan sa pagkamatay ng kanyang ina. Magmula raw nang mamatay ang kanyang pinakamamahal na ina, madalas nagagalit siya at nag-iiba ang moods. Ang boyfriend daw niya ang laging nagpapakalma sa kanya at laging may nakahandang malaking pasensiya.

Sa huling Linggo ng August, magbabakasyon daw siya sa Tate para mag-relaks at mabisita na rin ang kanyang mga kapatid at pamangkin.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Alice Dixson, target magpabuntis ngayong taon, patutunayang hindi siya baog

  1. So what kung magpabuntis siya? Naku naman bukod sa ang Tanda na niya eh LAOS pa..nagpapansin lang ang TH na ito..Hilig pang mag English nito..eh Pinay naman..pls lang wag na bigyan ng time ang Th na ito..

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.