Alice Dixson, may nagugustuhan na sa mga manliligaw

Alice-DixsonSA PAGSISIMULA ng isang panibagong taon, may dalawang wish daw si Alice Dixson. Una raw ay health and happiness not only for her kundi pati sa kanyang pamilya.

“’Yong isa, sa akin na lang,” nangiting sabi pa ng actress-beauty queen.

“My mom. She’s on her early eighties. And it’s a challenge to have you know, to have my mom and… whatever her ailments. Gusto ko rin na our family would be happy this 2014. My mom also… be happy. My mom stays with me. So, aside from that, for our country. Less calamities. Pero that’s our fate, eh. Hindi natin naku-control ‘yon. But I think nadadaan din sa dasal.”

Malakas pa rin ang appeal ni Alice sa mga kalalakihan. Sinasabing may anghang pa rin talaga ang beauty niya.

“I’m very humbled!” nangiti ulit na reaksiyon ni Alice. “Na may followings pa rin ako. Napaka-suwerte ko. Na even at my age, ang dami pa ring humahanga. So, inaalagaan ko ‘yon. Tsini-cherish ko ‘yon. Because at the same token, I’d like to be a good example o health and fitness to women my age.”

Alice is 44 years old. Pero walang kupas ang kanyang ganda. Balita ngang marami siyang suitors sa ngayon. Wala pa ba siyang napipili sa mga ito na pupuwedeng makapasa?

“Meron akong isang nagugustuhan!” tila bahagyang kinilig na pag-amin niya. “But I don’t wanna reveal. He’s non-showbiz. So, I don’t wanna reveal much about him. But we’re dating.”

Exclusive dating sila? “Basta we’re dating,” matipid niyang sagot.

“And… I don’t wanna reveal too much. Let’s keep it private. You know, we’re just getting to know each other.”

Pero ‘yong iba na gusto pa ring patuloy na manligaw sa kanya, open pa rin siya?

“Yeah!” panghuling nasabi na lang ni Alice.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Alice Dixson, may nagugustuhan na sa mga manliligaw

Leave a Reply

Your email address will not be published.