Alice Dixson, inginudngod sa balde ang isang extra!

BRAVO!!! ITO ANG tangi naming nasambit nang personal naming napanood ang eksenang kinunan para sa Glamorosa noong Martes, October 11 sa Mandaluyong City.

Nadatnan kasi namin ang scene kung saan kinukuhanan ang kunwari ay ang pag-iigib ni Alice Dixson ng tubig sa pilahan, pero pinauna siya nang namamahala sa pila. Dito na nagkaroon ng komosyon nang isang kunwari kapitbahay niya ay umalma at nakipaghamunan ng away sa kanya.

Noong rehearsal pa lang, medyo soft pa ang dalawa, tamed kumbaga ang kanilang mga reaksiyon. Pero nang mag-take na si Direk Eric Quizon, dito na sumambulat ang acting ni Alice. Halos

inginudngod na niya sa balde ang extra at pagsigaw ni Direk ng cut, palakpakan ang mga nanood sa taping.

Sabi nga nang aming kaibigang si Rose Innobaya, “Grabe kapatid, ‘noh, ang hirap din palang mag-artista, minsan parang nadadala ka na sa eksena at parang totoo na.”

Pero acting lang ang lahat at mapapanuod na ito sa pagpapaimbulog ng Glamorosa sa TV5 ngayong Nobyembre.

 

BLIND ITEM: KINSA Sila? Tawa kami nang tawa sa kuwento naman ng aming kaibigang baklita. Dahil nabanggit lang namin ang salitang tumutukoy sa isang posisyon sa gobyerno ay naglitanya agad siya na, “Naku may blind item pa naman ako sa kanya at sa kanyang ina.”

Ang siste, sa isang event na imbitado itong mag-ina, late daw itong dumating. So siyempre late na nga so parang kakaunti na lang ang pagkain. Kung ano ‘yung nakasaad sa menu ng event, ‘yun lang dapat ang kainin. Kaso rin daw tipilya (type) ng mag-ina ang mga natirang pagkain, kaya umorder daw sila nang umorder ng mga food na labas sa kung ano man ang nakasaad sa menu ng nasabing event. Ang mamahal daw nang pagkain na inorder nila na umabot na sa sampung libo ang bill. Pagkatapos nilang kumain, dumating ang bill sa kanilang mesa, pero ayaw raw magbayad ng mag-ina kasi imbitado naman daw sila sa event. Paliwanag ng waiter, hindi kasama sa free food at drinks ang kanilang mga inorder kaya kailangan nila itong bayaran.

So, imbiyerna na ang mag-ina, nang biglang may nakita silang kaibigang mayaman. Kinausap nila ito, binola-bola at hiniritan daw na i-paysung ang kanilang nakain. Tumanggi ang kanilang friend na magbayad at wala raw itong cash, (palusot lang daw) kaya ang ending, nagbayad na rin ang mag-ina. Siyempre masama ang kanilang loob dahil ten-quit (10k) nga naman ang kanilang binayaran. Dapat lang siguro, ‘noh, kasi nasarapan naman sila sa kanilang kinain, unless inorder ito nu’ng nagpa-event para sa kanila, kaso hindi.

Hirit pang clue nang aming source, “Ay naku day, ayaw ng mga tuko niyan!!!”

 

Twitter: @arnielcserato; Facebook: heavenscents2002@yahoo.com; E-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

Related Post

loading...

5 thoughts on “Alice Dixson, inginudngod sa balde ang isang extra!

  1. nai tsika na ito sa Paparazzi ni Cristy Fermin, si Nadia raw…lagi naman si Nadia ang laman ng blind item ni Lucifermin,,,,,ang tanong ng bayan, true ba ito o isang tahi tahing kwento ng isang devil’s advocate na si Lucifermin….nagtatanong lang, pero kung titimbangin mas timawa si Cristy Fermin kung compare kay Nadia…as in PG….di ba Pete Ampalaya?

Leave a Reply

Your email address will not be published.